blah...blah.. blah...
Friday, October 28, 2005
Thursday, October 27, 2005
pati title di ko maexpress...
UPDATES:kakasubmit ko lang ng CV resume sa original team lead ko, on-loan possibility.. [again] pero ngayon matagal-tagal. until june 2006... di ko alam ang mararamdaman ko, nung nareceive ko ang email, di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. pero sana and i pray na maging fulfilling experience ito for me. sana maggrow ako dun, both emotionally and professionally. yun e, kung matutuloy nga ako sa project na yun.
check dis out!!
i love this video.. hanep sa projection!! hehehe.. pampawala ng stress in fairness. hehe..
http://video.google.com/videoplay?docid=-6739710473912337648&q=bsb+-+i+want+it+that+way
--->> basta icopy paste nyo na lang. ayaw maging link e. bustrip. hehe.. pero cool 'to as in!
Tuesday, October 25, 2005
tamang kwento lang...
start of my night shift. natuloy na nga as expected. ok lang naman e, baka kase nahihirapan na din si chinky and i'm more than willing to be of help. pero ayus din, parang di ko nafifeel na napupuyat ako. may psychological effect ata pag nagigising ka na mataas na ang araw. feeling mo late ka na nagising. hehe.. kaya feeling ko hindi ako puyat. ayun.. pero feeling ko ang dami dami ng nangyari while im away, ewan ko, or feeling ko lang din yun. lunch out kame kahapon, hanep. pagdating ko pa lang, kauupo ko pa lang, di ko pa naccheck e-mail ko, tawag agad sa local ko si chinky, lunch out daw?? e ni wala ngang nagsabi sakin. sabi nila nasa email daw, e pano ko nga malalaman e ni hindi ko pa nga nachcheck email ko e. hehe.. anyways, ok lang kase di pa talaga ko naglulunch. juskupo, sana nga di ulcer ang kapalit nito dahil wala na ko sa oras kumain. hehe.. gaya ngayon! ang konti pala nung nabaon kong dinner.. huhu.. kahapon kase di ko naman naubos yung binaon ko. anyways, chocolates are flooding dito sa office. dumating na sila ms. ken and sir jonjon from on-shore assignments. malas ko lang kase umaga pa lang ubos na yung mga yun. hehe.. mga tira-tira na lang nahihingi ko. hehehe..treat ni sir jonjon lunch out namin, nakakatuwa sya. hehe.. alam ko manager sya e, ewan ko basta mataas na position nya, 10 years ba naman sya dito a accenture e. hehe.. dun ko lang nafeel na masyado na pala nahaharass ang team ng mga counterparts sa hongkong kase nung sort of nagkkwento/nagsusumbong si mam lady, medyo narealize ko nga na medyo mahirap nga yung mga pinapagawa nila. yun nga lang, di masyado sakin yung burden. papasok din ako over the weekend[s].. hay... sana matapos na to.. la ako masyado makwento e.. next post ko na lang ulit. hehe.
Friday, October 21, 2005
hinga muna...
madali ang ginagawa ko these past few days, nakakapagod lang dahil matrabaho, testing and uploading kase ang ginagwa ko, tapos documentation. hindi ako totally nagcocoding, although kelangan intindihin yung mismong program. narealize ko na mas maggogrow ka talaga pag nagdedevelop ka ng program. mas madami kang natutunan. kahit nakakainis minsan namimiss ko magprogram in fairnes.. hehe.. anyways, almost 1 week na akong nag-OOT, except na lang nung wednesday kase i kept a promise to a friend na punta ako sa renewal of vows. lakas sakin si johann and tita annie e. hehe.. ay... naalala ko.. pumayat si tita annie, haay.. how i wish!! anyways, halos 1 week akong ngarag and wasted, pero ok lang, kaya pa yan.. naiisip ko mas kawawa sila jason and chinky and joseph kase sila talaga yung in-charge fully sa project. kumbaga, tulong lang ang ginagawa naming mga on-loan dahil hindi talaga yun ang project namin. hindi ko pa din alam if i'll be extending my stay with the project. kahit matrabaho ok lang kase nageenjoy naman ako kasama ang mga teammates ko. even our team leader. sobrang kalog kase. kaya humahaba masyado ang meeting may chikahan lagi in between. tapos tawa tawa. hehe...napagusapan namin kagabi na pinagreresign na si chinky ng mom nya. naiyak sya ng konti kase ayaw nya. but we can't blame her mom, siguro nabigla lang yun sa schedule namin dahil nagnnight-shift agad sila. ayun, gagawan daw ng paraan ni ms. lady, langya, baka ako ang malagay sa night shift ah! hehe.. kme kase ang buddies bout dun sa uploading ng program. nagshare lang din si ms. lady na hindi na bago yun, mahirap ata talaga sa akchenchure.. pero hindi sya nagreresign kase she loves her work, malaking factor din daw ang mga kasama nya sa work. actually i totally agree with that. i mean kahit mahirap ang trabaho, basta ok ang mga kasama mo, magiging ok ang lahat. sabi nga ni harry ata dati, isa na lang sa magiging reason nya for resignation is kung hindi maganda ang working environment nya. sana nga di naman mangyari sakin yun. hehe.. yun lang! huminga lang ako saglit. hehe..
naalala ko... papasok pala ako ng nov. 1.. matatakutin pa naman ako.. langya, may mumu ata dito sa opis e. hehe.. bahala na.
Wednesday, October 19, 2005
something to share...
pano na lang ako?? hanggang ngayon di ko pa din alam ang blood type ko?...nakakaawa!! hehehe.. click nyo na lang para lumaki yung image.
Tuesday, October 18, 2005
ngarag or wasted? [pareho lang yun e..]
bangag ako ngayon at nagpapanggap na namang chinita ang mga mata ko. napuyat na naman ako, pero in fairness may katuturan naman sya. 9:30 na ko natapos kagabi sa ginagawa ko for the project. "urgent" daw sabi ng mga chinese counterparts. unahin muna daw yun, e di fine! si chinky ang buddy ko for this, mas madami pala talaga ang documentation kesa dun sa program, 60% docu, 40% lang ang coding. at ngayon, wala na si chinky, natuloy ang night shifting for this week, at sya ang napunta sa sked na yun. hala.. nakakatakot! di ko pa masyado gamay yung mga ginagawa namin, 1 week pa lang ako dito. at ngayong linggo din ako matatapos. hmmm... bahala na. bring it on! hehe..hinding-hindi ko na makakalimutan ang CTRL+Y.. dahil kagabi.. maiiyak na ko sa sobrang dami ng idodocument na data elements, program names, 4 na folders, isa pa lang ang nagagawa ko, mga 7:30 na yun.. 1 window ng ABAP at 1 window ng word ang nakadisplay sa monitor ko. buti nilapitan ako ni xianne [sounds like shan =)] at sinabing "ano bang ginagawa mo? sasakalin kita e, pinapahirapan mo sarili mo". haha!! nakakatawa, ang dali lang pala nung tinuro nya e. at habang tinutulungan nya ko kagabi, feeling ko bigla akong nabobo sa microsoft word. hehe.. pero in fairness, natuto naman ako. importante pala ang CTRL+Y sa ABAP. hehe.. bukod sa lagi kong ginagamit na CTRL+F2 [syntax check] at CTRL+F3 [activate object]. hihi.. at importante din ang nagtatanong. siguro nawala ako sa sarili ko at inisip ko na kelangan ko talaga sya matapos, kaya di ko na naalala na may mga tao pala sa paligid ko. hehe.. busy din kase si chinky nun, at may pending pa kong 557 files na kelangan irecord at idocument. hanggang friday na lang naman ako dito sa project kaya siguro ok lang, effort na kung effort. hehe..
Monday, October 17, 2005
iba na talaga pag down ang server...
hapon na... napapadalas ang paggawa ko ng blog in fairnes.. bakit? dahil down na naman ang server... hanep naman talaga o. natapos ko naman yung favor na pinagawa ni jason kaninang umaga, kaya eto na naman kame.. hehe.. ganito daw talaga pag support, antay ka na lang ng issues after mo magawa ang part mo. nasabi ko minsan na nakakabore pala pag paulit-ulit ang ginagawa mo sa araw-araw, gaya ng pagpasok sa opisina. hayy.. nakakatawa dahil hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung bakit ako nandito sa trabahong ito. oo, i like computers, pero programming, yan ang di ko masyado masagot ngayon. pero hindi ko sya ayaw.. basta magulo. parang numb ang feeling pag pinaguusapan yun dahil so far naiintindihan ko naman ang mga pinagagagawa ko.naalala ko na hindi ito ang pinangarap ko nung bata ako. hehehe.. nakakatawa dahil gusto ko lang talaga maging veterinarian, as in tagagamot ng pets. hehehe.. pero alam ko gusto ko din maging nurse nun, pero mas matimbang yung veterinarian. tapos nung naghighschool ako, nawala na ang mga yun, hanggang sa wala ng natira. fourth year highschool na ko nun, na dapat alam ko na ang gusto kong course pagdating ng college pero hanggang maggraduate na ata ako, or gumraduate na ko, di ko pa din alam ang gusto ko. hanggang sa nagapply ako sa PLM, nagtanong pa ko kay papa kung anong course ilalagay ko. mini-mini minimo lang ata ang nangyari. ayan, IT tuloy. haha! natapos na ko ng college, nagwowork na ko, ok lang sakin ang ginagawa ko. masaya naman ako sa mga katrabaho ko, pero shemrpe hindi lahat. pero minsan iniisip ko na meron talaga akong gusto, hindi ko lang talaga alam kung ano yun. iniisip ko na lang din, in God's time malalaman ko din yun. baka ito lang din ang paraan para mahanap ko talaga kung anong gusto ko. swerte ang mga taong bata pa lang alam na nila kung ano talaga gusto nila. may kilala ko grade 2 pa lang sya alam na nya na gusto nya maging dentist. hehe.. at dentist na sya! pero basta, di ko ayaw ang trabaho ko, baka bawiin e. hehehe...
oo na.. tsabi na...
ito ang lunes na dapat ay linggo, hehe.. pumasok nga kase ako nung saturday, at mali ang inaakala kong makakauwi ako ng maaga dahil 11:00 pm na kame naghiking ni dona paalis dito sa cybergate papuntang edsa. nakakatakot!! hehe.. dami pa naman ako naririnig na balita jan sa boni station. well anyways, ok pa naman ako, ambilis ko maglakad!! haha!! kinabukasan, akalain mong fiesta na pala samin?.. di ko man lang nafeel at tulog na tulog pa ko, 10 am na nun. dumating sila tita, nanay and some kids na pinsan ko, shempre alam ko na, tumaba daw ako. langya.. hehe.. ayun, parang family gathering lang ang nangyari, although di kumpleto, ok lang, basta andun si nanay, namiss ko kase sya.. haay..nung hapon, i decided na magsimba kasama sila pareng rod and pareng camyl, hehe.. nagtatampo na sila kase busy daw ako lagi. pupunta na kaseng bicol si myl kaya baka mawalan na naman kame ng time para magmeet. as usual, tawa kame ng tawa, pero shempre may napansin na naman sila, tumaba daw ako! inaasar tuloy ako ni rod. badtrip. hehe.. nagjollibee kame after sa church, at napaisip din ako sa tanong ni rod, "bakit pagtapos magsimba ang mga tao lagi sa jollibee?" oo nga noh! bakit nga ba? kahit naman hindi bata nagpupunta pa din dun. napaisip ako dun at di ko pa din alam ang sagot. haaay... ang tsabi tsabi ko na!! kainis, pag di naman ako kumain, abah.. baka di naman ako makapagtrabaho ng maayos, ayoko naman magkaroon lagi ng work-related gutom. jellyace assorted flavors at chocnut na nga lang ang nakakapagmotivate sakin.. huhu.. ay naku, bahala na nga, di ko kase nafifeel na tumataba ako dahil halos lahat kame nagtatabaan dito sa opis.
kahit nakakapagod kahapon hanggang ngayon, masaya ako. nakita ko kase ulit yung mga taong matagal ko ng hindi nakita. sa gitna ng jolly meat pie at ice cream, lahat ata ng tawa natawa ko na kahapon, kahit nung umaga napikon ako kay ate. hehe.. pero wala na yun. para lang yang pagkain ng cornbits, mas masarap ang cornbits pag may kaagaw ka. hehe.. masaya. natry ko kase kumain ng solo ko lang yung cornbits, parang ang dami dami. hehe.. ano beh... pagkain na naman.. kaya tsumatsabi e. hehe..
Saturday, October 15, 2005
rolling over...
4:00 pm, saturday na saturday andito ako sa opis. natapos ko na ang pinapagawa ni dona [new teammate] about 30 mins ago. ok na, petiks muna ko habang walang pinapagawa. ok din pala dito sa pc ni jason. hehe.. nagpalit kame ng workstation dahil mas mabilis daw ang VPN connection sa pc ko. anyways, medyo pagod na ko at antok na antok.. sobra.. naiinis pa ko sa bahay, buti na lang kelangan ko talaga pumasok ngayon. at buti nakausap ko si ate kanina, at least nasabi ko ang mga saloobin ko. naks! lalim! hehe.. enjoy naman ako sa new project ko, kahit on-loan lang ako at maroroll-off na ko agad sa october 21. at hindi pa man din nangyayari yun.. may nalaman ako kahapon.. siyaks...ianne: [talking to batchmates] kabatch nyo si eileen lumbres diba?
ako: [taas ng kamay] ako yun!
ianne: alam mo na ba na ikaw papalit sakin? kase mapupunta na ko sa project blah blah [confidential to e. hehe]
ako: ha? [tapos punta kame kay ms christy]
ms. christy: ah sya ba? eileen? alam mo na ba na maro-roll in ka, san ka bang project ngayon?...
ako: lean po, lean na lang, di ko pa po alam e, pero sige po ok lang po..
ms. christy: ok, thank you lean ha.. ok pala e, ianne, tapos lean
ayun.... ang saya! heheh.. pero ok lang, kahit new adjustments, new faces naman, new kakilala, new kabonding. ok din yun, for exposure para naman kahit papano may matutunan pa ako. hehehe.. ayus.. at i feel so productive naman, kahit may petiks moment pa din ako. hehe.. ay, birthday pala ni sir dan ngayon, tapos bukas si robert. hehe.. miss ko na pala yun si roberto. hehe.. inaantok na din pala ko.. sana pwde na umuwi.. hehehe..
Tuesday, October 11, 2005
petiks... again?
eto ang mahirap.. magisip ng gagawin sa mga panahong wala ka talagang magagawa. down ang server... sabi ni jason till 10 pm daw today.. so again, petiks na naman ako.. ano ba to! actually on-loan na ko, meaning, may project na talaga ko, pero dahil sa hindi pa overload ang work namin dun, at si xianne lang ang nagcocode, hiniram muna kame and the rest of the team for other project na sobra naman ang ginagawa pero kulang sa tao. ayun, sa testing ako napunta, pero ok na din, mukhang mas ok yun. hehe.. binasa ko yung user's manual kahapon, ayan.. wala tuloy ako magawa ngayon.. CBT kaya ulit? hmm... bakit naman kase ganito.. ano beh... monday pa lang kahapon pero parang pagod na pagod na agad ako. haay.. nakakainis, tumataba daw ako sabi nung pinsan ko. buong araw ka ba naman nakaupo e, isip ka ng isip, pag trip mo kumain kakain ka, tapos lakad ka lang ng konti robinson's pioneer na, wala, patay na. tataba ka talaga. pero di naman daw sobra, sabi din ng college friends ko. huhu.. i have to work this one out. wala talaga ako magawa, di naman naguupdate ng blog yung mga blog na binibisita ko. kainis. hehe.. wala din yung constant chatmate/friend/ultimate crush ko. nasa ortigas na sila ngayon, dun na sila nadeploy. oh well, ganyan talaga buhay, sana sa 6750 na lang ako. mas malapit, o kaya sa GT, hihi.. ang dami kong naiisip!!...- nasan kaya si delfin? parang absent sya, nasa kanya headset ko!! wala na naman akong sounds..
- bakit di online sila ate arlou?
- magbbirthday na si johann bukas,. hihi.. debut?
- pano kung magsabay sabay ang meeting ng iba't ibang project ko ngayon, saan ako pupunta?... =(
- nakalabas na kaya ng hospital si vincent? miss na namin sya..
- gusto ko na din makausap ulit si isang vincent.. quality time ba?..
- sana mameet na namin ni meyn si kuya eric, magbbirthday na din sya, drawing pa din ang plano.. tsk tsk..
- gusto ko ulit mameet college classmates/friends ko..
- iba talaga ang tawa na merong tuwa.
- ang bango pa din ni harry for life.. haha!
- naiirita pa din ako pag naririnig ko boses ng malditang yun, gaya ngayon! arrrgghh!!
- yun pala ang purpose ng headset ko, para di ko sya marinig. nagmamaganda...
- kelangan ko matapos ang harry potter 4 bago yun ipalabas, nirerequire ko na ang sarili ko.
- gagawa na naman ako ng sarili kong southpark character mamaya, di ko daw kamukha e, asar o..
- nakakabore pala pag paulit ulit ang ginagawa mo araw-araw.. gaya na lang ng pagpasok sa opisina..
- mukhang eto na magiging motto ko: "if you cannot break through and you are about to breakdown, take a break"..
buong araw ata akong ganito.. tsk tsk.. ano bang pwedeng pagkaabalahan?.. langya, sana 6 pm na!
Thursday, October 06, 2005
hindi ako absent, nag-"sick leave" ako..
but not exactly a sick leave kase wala naman akong sakit. di ko lang kayang bumangon dahil sa sobrang puyat. hindi ko ineexpect na ganon katagal ang defense ng SAD sa school at inabot na kame ng 11:00 dun. first time ko nagtaxi hanggang alabang.. siyaks. ayoko mahawa sa mga may taxi-syndrome, yung lagi bang umaasa sa taxi pag malelate na! hehe.. 12:30 am na ko nakauwi dito. kinakabahan nga ko kase di nila alam na pumunta pa kong manila. anyways, di naman ako pinagalitan, nagtext naman ako e. ang sakit ng ulo ko when papa woke me up at 5 in the morning. tapos bigla ko na lang sinabi, "di po ako papasok, masakit ulo ko". hehe.. sabi ako daw bahala, naisip ko din sayang yung sick leave ko kung di ko gagamitin.natulog ako ulit and i planned the day ahead. sabi ko maglalaba ko, tapos itutuloy ko yung pagbasa ng Harry Potter 4, tapos saka ako manonood ng finals ng UAAP. kaso ang nagawa ko lang yung panghuli. actually dapat talaga papasok ako kahit puyat, e inatake ako ng sakit kong katamaran, at lalo pa syang umatake dahil naalala ko na game 2 ngayon - DLSU vs. FEU. and don't ask.. nalulungkot ako!!! waaah!!! huhu.. they fought a good fight, pampalubag loob ko na lang. pampalubag loob ko na lang din dahil crush na crush ko si Jonas Villanueva of FEU Tams #14 jersey nya. haayyy... ang lakas pa mangasar ng mga tao dito, kung ano yung kalaban ng La Salle, dun sila kampi. nananadya talaga, daya. ayun lang,... papasok na naman ako bukas.. hello SE38, CTRL+F2 and CTRL+F3 na naman ang drama ko. at pag minamalas, kelangan ko na naman gamitin si debugger...
Wednesday, October 05, 2005
katangahan nga ba?
may kanya-kanya talagang katangahan ang mga tao.. malamang isa na ko dun. i remember the stupid things i've done [i don't know if it really was stupid] when i was still head-over-heels in love with my OGL. di ko maimagine na nagawa ko lahat yun, but still,.. well i guess some things are not meant to be. sabi nga ni meyn, "di ako umaasa pero umasa ako". umasa ako minsan..greeting card
i went to national bookstore, i was in my sophomore year in college ata.. may nakita akong greeting card, wala lang, binili ko.. at.. naisip ko si OGL, i wanted to give it to him.. namumutaktak pa ko ng mga sweet nothings nun, sudden burst of thoughtfulness ika nga. binili ko, then i thought of a way kung pano ko mabibigay sa kanya na surprise. yuck... hehehe.. then i asked a favor from my former classmate, who has a boyfriend in la salle, who has this bestfriend who was a former blockmate of OGL. ang daming pinagpasahan. then i heard the story from him na lang na he was so surprised nga, nakita na lang niya yung card on his desk.... i didn't know how he felt that time. hindi na rin ako nagtanong..
stars
i was in a leadership training with gurlfriend meyn. october 22-24 2002[?] october 27 was his birthday, i couldn't think of anything that i can give as a gift. habang nasa baguio, parang may "ting!" i got it! gagawa ako ng hand-made stars, you know those colorful strips then tupi-tupi, tapos i-form mo ng stars. i got a jar from meyn, nagstart ako gumawa sa baguio, sa 27 pa naman birthday nya, so aabot ako. ayun, with matching letter pa yun, ay ang arte talaga. hehehehe... bumili pa ko ng bonsai as pasalubong, malamang patay na yun ngayon..
simbang gabi
during his college days, every term ata may failing mark sya. his mom warned him na pag may bagsak sya sa particular term na yun, we we're second year college din nun.. yun, pag may bagsak sya ulit, exile sya sa masbate. gosh! i was so scared that time, i thought magiging maayos ang lahat, but still, 0.0 ang nakuha nya sa physics 2. nagkatext kame nun, he told me the news, i panicked, i even called him, and i found myself crying, sobra.. nung maubos yung load ko, lumabas ako at bumili, [cellcard pa uso that time] wala ako sa sarili habang naglalakad, mangiyak ngiyak pa din ako, then i called him again. wag na daw ako umiyak, blah blah.. haay.. it was Christmas time, first time kong nabuo ang simbang gabi because of this wish na sana hindi na sya ipatapon dun. luckily my wish was granted, iyak iyak pa ko kahit sa simbahan habang nagdadasal ng taimtim. nagagawa nga naman ng pag-ibig!
fruits and milk
i was 3rd year college, tampo-tampuhan pa ko kunwari kase hindi na sya tumatawag. then i heard nagkahepatitis sya, shempre ako naman naalarma ng sobra. i was so bothered that time, kaya after classes, kahit ang init init, sherwin and i went to sm manila, bili ako sa grocery ng fruits and milk. favorite nya kase yun and i'm sure it helped somehow. pumunta ako sa bahay nila, surprise visit pa nga yun, no idea sya na pupunta ako dun, kahit out of the way, plus the traffic in las piƱas, punta pa din ako. i was still in my uniform, holding books.. can't imagine myself.. effort kung effort!!
suprise, surprise
20th birthday nya, last year to be exact. i was invited, together with my 2 friends, shempre punta naman kame, kahit nahihiya ako kay alvie kase from caloocan pa sya, enrollment for 2nd sem that time. bumili pa ko ng Purpose Driven Life as a gift [banal!]. kahit kame lang 3 naguusap nun ayos lang, then all of a sudden, there was this group of girls, kumukuha ng food, and pakilala nya, "girlfriend ko".. huwhaat?? did i hear it right? girlfriend? gosh, i was so shocked, i tried to smile the whole time we we're there, buti kelangan na umuwi ni nikki. i didn't have to make some lame excuse para umalis. actually di ako makapagreact, yung mga kasama ko ang nagffreakout. well, di pa nagsisink-in ang hurt nun. pero after non, tawag ako agad kay bestfwend kat. i needed a friend that time. it was like a scene from a movie diba? i had no clue na may nililigawan pala sya, or kung may ligawan ngang nangyari, kase before that day, weeks before that day rather, lagi kameng naguusap, then out of the blue, may ipapakilala syang girlfriend nya? sobrang shocking nun.
oh well, wala na kong magagawa, anjan na yan. actually madami pang nangyari, sobrang masunurin ako sa kanya, kahit di nya nakikita sinusunod ko, pag sinabing matulog na, tutulog na ko. pag sinabing uminom ng gamot, iinom ako ng gamot. ganun ako kabait nun. grabe. every exam nya, sobrang pinagppray ko pa sya. nagpapanic pag nagkakasakit sya. ay talaga naman... nagiging mababaw din ako and vulnerable. gaya nung umiyak ako dahil di nya ko nabati nung bday ko last year, and worse, naalala lang nya dahil may nagpaalala sa kanya. ouch!! ewan ko kung katangahan talaga ang mga pinaggagagawa ko dati. or sobrang minahal ko lang sya [baduy! hehe.. pero totoo] siguro kelangan talaga dumaan ng tao sa ganong stage. unconditional love ika nga. and i can say i really learned something from those experiences. i dunno kung maeexperience ko ulit lahat ng to, lahat ng mga kagagahan ko, but i'm hoping that if i had to go through it again, i'm hoping it will be with the right person, in the right time. the one God has prepared for me..yung God's will ko.. hehehe..
Monday, October 03, 2005
another not-so-productive week..
---> dpat friday ko to ipopost, kaso kelangan ko na umalis, mawawalan ako ng kasama pag di pa ko umalis dito sa pwesto ko. well, summary lang yan ng nangyari last week..isa to sa mga pinakawalangkwentang linggo sa buhay ko.. hehe.. i feel so unproductive, gusto kong may gawin, pero ayoko naman gawin yung dapat kong gawin.. haay..at ang pinaka sa mga pinakawalangkwenta na araw ngayong linggong to e nung wednesday.. sabi na e, temptation ang local phone ko dito.
tuesday -->> morning - tulog pa ko sa bus, may nagmisscall. si bestfwend kathleen pala. i was shocked sa news, may gf na ang still "in progress" na friend/suitor nya. nakakalungkot, i mean i was sad for her. ni hindi ko alam ang iaadvice ko, i wanted to tell her na ok lang yan, maybe he's not the one, but still of course, mahirap yun para sa kanya. since her sked was 11 pm to 8 am, magkakaabot pa kame kung makakapunta ako dito sa office ng 8 am. pagdating ko dito nagchat kame, i even called her. di ko talaga alam ang sasabihin.. kase naman e... haaay... pagtapos nun, usap naman kame ni ultimate crush, chika chika lang din.. since wala din syang ginagawa sa gateway.. tapos akalain mo yun, lunch na! tapos mayamaya.. 3:00.... 5:00.... 5:30... at di na ko nakamoveon sa problem ko sa program na tinatapos ko.
alam ko kung saan nagkakaproblema, thanks debugger! pero di ko maayos! inayos ko na lahat ng internal table ko, work area and everything.. so meaning, i therefore conclude, wala akong naaccomplish..
wednesday -->> pinakawalangkwentang araw - dumating ako sa office, kachat ko na naman si bestfwend kat, shempre di pa din tapos ang recovery period nya, shempre damayan lang yan. hehehe.. usap daw kame sa phone pagdating nya ng bahay.. shempre, coding ulit ako, pinipilit ko talaga matrace ang mali ng internal table i_makt, na wala daw laman ayon sa soon-to-be-bestfriend debugger. dumating ang 10:30, tumawag na si bestfwend kat. usap kame, nagkwento na sya in details, akalain mo, 11:20 na sa clock ng pc ko. grabe, medyo sumakit yung tenga ko dun dahil may hikaw ako. nakaramdam ako ng konting hiya, kase lahat ng kasama ko sa cubicle busy busyhan.. tumawad pa si kathleen, hanggang 12 daw para tulog na sya pagtapos namin usap. so meaning ulit, therefore, wala na naman akong naaccomplish buong umaga. lunch time.. chika with batchmates, ayun, work-workan ulit. buti we had a meeting for the project.. at wala pa din kameng gagawin tasks, madaming kelangang ipaapprove na documents. at naisip ko, mukhang avalanche of work ang mangyayari. ayaw ipamove ang october 17 integration testing. so OT galore ito. tsk tsk.. kaya siguro petiks ako ng sobra.. petiks kung petiks. ayun, di ko na matandaan mga ginawa ko after nung meeting. ayun, uwi na kame ni patrick pagkatapos.
thursday -->> naks! may gagawin ako ngayon! SCM auditing, checking of documents and everything. so may reason ako kung bakit hindi pa din ako maka-moveon sa program ko.. honestly speaking... tinatamad na ko tapusin sya...
iba kase yung feeling na alam mo na may sense yung ginagawa mo, i mean andun na ko na it's for my own good, pero tinatry ko naman baguhin yung ugali ko nung college pa na cramming, procastination. pero minsan dun ako nafforce na
matuto. at hanggang ngayon di ko maalis ang ugaling yun.. haay.. dumating na sa mail namin yung gagawin, 1:30 namin sinimulan, in fairness, naaaliw ako, kahit medyo nakakalito sya gawin. at partida, kausap ko pa sa phone si ate arlou nun.
we're planning to go to star city [kahit sabi nila jologs daw] well, nasa mga kasama mo yun. i missed them so much, ewan ko lang kung tuloy. i asked a couple of questions kay beni [TDier ng CAT] mga hapon, i called sherwin naman, makikibalita
lang sana ako sa laban ng la salle-FEU, si tita dolly lang nakausap ko, grabe, chinika naman ako ng sobra.. natagalan na naman ako sa phone. pero matatapos ko naman na yung mga dapat kong gawin. at natapos ang thursday na finished na ko!
friday -->> thank God, dumating ka. at sweldo na ulit! hihi.. akala ko tapos na ko, buti na lang nakausap ko sila kat, may naoverlook lang pala ko, pero fortunately natapos ko sya and nasend ko na sa email ni master beni. i helped kat para naman sa ginagawa nila at least, masasabi kong productive ako. at sa wakas, natapos din namin. hehehe.. halos wala ako sa pwesto ko buong araw. pero ok na din yun, para nakakakita naman ako ng ibang mukha at ibang lugar dito sa 6th floor. i'm starting to socialize na din, napapakita ko na yung medyo totoong makulit na ako. at mukhang wala na kong balak tapusin ang practice TD. sobra na ito! hehehe.. tama nga si sherwin, pag tinamad ako, tamad talaga, literal. at ngayon, tinatawagan na ko ni xianne, uwi na d aw kame.