Friday, October 28, 2005

naisip ko lang...

minsan ba naramadaman mo na na naguilty ka dahil nasaktan ang isang tao na inisip mo o minsan hiniling mo na sana masaktan sya? yung tipong hindi naman ikaw yung cause kung bakit sya nalungkot but still nakokonsyensya ka. iiniisip mo na ang sama mo, pero pag naiisip mo bigla lahat ng nangyari na may connection sa kanya, gusto mo magalit, hindi mo alam kung maiinis ka sa sarili mo dahil tanga ka o tanga sya para saktan ka. iniisip mo na napaka-unfair dahil lugi, ikaw ang mas nasaktan pero konting lungkot at iyak nya, iniisip mo na masama ka dahil hiniling mo na maranasan din nya yung sakit at hirap na naramdaman mo sa kanya dati. sweet revenge ika nga pero ang mangyayari, ikaw din itong tanga na sobrang concern na concern sa nangyayari sa kanya. hanep... magulo dba? pero nangyayari talaga yun. akala mo galit ka, naiinis ka pero pag nalaman mong nasasaktan o nalulungkot sya, mag-aalala ka. siguro nga pag minahal mo na ang isang tao, you never stop loving him. siguro mababawasan, makakalimutan, pero hindi mawawala. may matitira pa ding concern bilang kaibigan. sabi nga sa isang pelikula, "gago kame [mga lalake] tanga kayo [mga babae]". pero bakit nga ba ganun? paulit-ulit kong naiisip, pero hindi ko pa din malaman ang sagot kung bakit ang mga lalake [hindi lahat] kaya nila sabihin na mahal nila ang isang babae kahit hindi naman talaga minimean? bakit may mga nagtutwo-time? bakit kaya nilang magacting single kahit hindi na? ikaw pa mismo ang makakaalam through friendster or other people na may gf na pala ang guy na yun. but still, pag nakakausap mo, abah... single na single ang dating! [dba mare? =)] hanep sa mga punchline, akala mo totoo. minsan yung concern and sweetness na pinapakita nya sayo, ganon pala sa lahat. hanep naman talaga o.. may kilala ko, linya sa ate, linya din sa younger sister. abah.. kaya mahirap na talaga buhay e. may scarcity na talaga sa mga lalake ngayon.. tsk tsk..

2 Comments:

At 9:05 AM , Blogger kathrinah said...

ei liyan! ngaun ko lang nakita muli ang iyong blog at d ko pa tapos basahin lahat.

naka-relate naman ako dun sa sinasabi mo. lalo na ung tungkol sa mga lalake. ganun ba talaga cla?labo nila no?!

 
At 4:46 PM , Blogger Mrs Sharon Sim said...

Hello Everybody,
My name is Mrs Sharon Sim. I live in Singapore and i am a happy woman today? and i told my self that any lender that rescue my family from our poor situation, i will refer any person that is looking for loan to him, he gave me happiness to me and my family, i was in need of a loan of $250,000.00 to start my life all over as i am a single mother with 3 kids I met this honest and GOD fearing man loan lender that help me with a loan of $250,000.00 SG. Dollar, he is a GOD fearing man, if you are in need of loan and you will pay back the loan please contact him tell him that is Mrs Sharon, that refer you to him. contact Dr Purva Pius,via email:(urgentloan22@gmail.com) Thank you.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home