Tuesday, October 11, 2005

petiks... again?

eto ang mahirap.. magisip ng gagawin sa mga panahong wala ka talagang magagawa. down ang server... sabi ni jason till 10 pm daw today.. so again, petiks na naman ako.. ano ba to! actually on-loan na ko, meaning, may project na talaga ko, pero dahil sa hindi pa overload ang work namin dun, at si xianne lang ang nagcocode, hiniram muna kame and the rest of the team for other project na sobra naman ang ginagawa pero kulang sa tao. ayun, sa testing ako napunta, pero ok na din, mukhang mas ok yun. hehe.. binasa ko yung user's manual kahapon, ayan.. wala tuloy ako magawa ngayon.. CBT kaya ulit? hmm... bakit naman kase ganito.. ano beh... monday pa lang kahapon pero parang pagod na pagod na agad ako. haay.. nakakainis, tumataba daw ako sabi nung pinsan ko. buong araw ka ba naman nakaupo e, isip ka ng isip, pag trip mo kumain kakain ka, tapos lakad ka lang ng konti robinson's pioneer na, wala, patay na. tataba ka talaga. pero di naman daw sobra, sabi din ng college friends ko. huhu.. i have to work this one out. wala talaga ako magawa, di naman naguupdate ng blog yung mga blog na binibisita ko. kainis. hehe.. wala din yung constant chatmate/friend/ultimate crush ko. nasa ortigas na sila ngayon, dun na sila nadeploy. oh well, ganyan talaga buhay, sana sa 6750 na lang ako. mas malapit, o kaya sa GT, hihi.. ang dami kong naiisip!!...

- nasan kaya si delfin? parang absent sya, nasa kanya headset ko!! wala na naman akong sounds..
- bakit di online sila ate arlou?
- magbbirthday na si johann bukas,. hihi.. debut?
- pano kung magsabay sabay ang meeting ng iba't ibang project ko ngayon, saan ako pupunta?... =(
- nakalabas na kaya ng hospital si vincent? miss na namin sya..
- gusto ko na din makausap ulit si isang vincent.. quality time ba?..
- sana mameet na namin ni meyn si kuya eric, magbbirthday na din sya, drawing pa din ang plano.. tsk tsk..
- gusto ko ulit mameet college classmates/friends ko..
- iba talaga ang tawa na merong tuwa.
- ang bango pa din ni harry for life.. haha!
- naiirita pa din ako pag naririnig ko boses ng malditang yun, gaya ngayon! arrrgghh!!
- yun pala ang purpose ng headset ko, para di ko sya marinig. nagmamaganda...
- kelangan ko matapos ang harry potter 4 bago yun ipalabas, nirerequire ko na ang sarili ko.
- gagawa na naman ako ng sarili kong southpark character mamaya, di ko daw kamukha e, asar o..
- nakakabore pala pag paulit ulit ang ginagawa mo araw-araw.. gaya na lang ng pagpasok sa opisina..
- mukhang eto na magiging motto ko: "if you cannot break through and you are about to breakdown, take a break"..

buong araw ata akong ganito.. tsk tsk.. ano bang pwedeng pagkaabalahan?.. langya, sana 6 pm na!

1 Comments:

At 4:51 PM , Blogger Mrs Sharon Sim said...

Hello Everybody,
My name is Mrs Sharon Sim. I live in Singapore and i am a happy woman today? and i told my self that any lender that rescue my family from our poor situation, i will refer any person that is looking for loan to him, he gave me happiness to me and my family, i was in need of a loan of $250,000.00 to start my life all over as i am a single mother with 3 kids I met this honest and GOD fearing man loan lender that help me with a loan of $250,000.00 SG. Dollar, he is a GOD fearing man, if you are in need of loan and you will pay back the loan please contact him tell him that is Mrs Sharon, that refer you to him. contact Dr Purva Pius,via email:(urgentloan22@gmail.com) Thank you.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home