iba na talaga pag down ang server...
hapon na... napapadalas ang paggawa ko ng blog in fairnes.. bakit? dahil down na naman ang server... hanep naman talaga o. natapos ko naman yung favor na pinagawa ni jason kaninang umaga, kaya eto na naman kame.. hehe.. ganito daw talaga pag support, antay ka na lang ng issues after mo magawa ang part mo. nasabi ko minsan na nakakabore pala pag paulit-ulit ang ginagawa mo sa araw-araw, gaya ng pagpasok sa opisina. hayy.. nakakatawa dahil hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung bakit ako nandito sa trabahong ito. oo, i like computers, pero programming, yan ang di ko masyado masagot ngayon. pero hindi ko sya ayaw.. basta magulo. parang numb ang feeling pag pinaguusapan yun dahil so far naiintindihan ko naman ang mga pinagagagawa ko.naalala ko na hindi ito ang pinangarap ko nung bata ako. hehehe.. nakakatawa dahil gusto ko lang talaga maging veterinarian, as in tagagamot ng pets. hehehe.. pero alam ko gusto ko din maging nurse nun, pero mas matimbang yung veterinarian. tapos nung naghighschool ako, nawala na ang mga yun, hanggang sa wala ng natira. fourth year highschool na ko nun, na dapat alam ko na ang gusto kong course pagdating ng college pero hanggang maggraduate na ata ako, or gumraduate na ko, di ko pa din alam ang gusto ko. hanggang sa nagapply ako sa PLM, nagtanong pa ko kay papa kung anong course ilalagay ko. mini-mini minimo lang ata ang nangyari. ayan, IT tuloy. haha! natapos na ko ng college, nagwowork na ko, ok lang sakin ang ginagawa ko. masaya naman ako sa mga katrabaho ko, pero shemrpe hindi lahat. pero minsan iniisip ko na meron talaga akong gusto, hindi ko lang talaga alam kung ano yun. iniisip ko na lang din, in God's time malalaman ko din yun. baka ito lang din ang paraan para mahanap ko talaga kung anong gusto ko. swerte ang mga taong bata pa lang alam na nila kung ano talaga gusto nila. may kilala ko grade 2 pa lang sya alam na nya na gusto nya maging dentist. hehe.. at dentist na sya! pero basta, di ko ayaw ang trabaho ko, baka bawiin e. hehehe...
1 Comments:
Hello Everybody,
My name is Mrs Sharon Sim. I live in Singapore and i am a happy woman today? and i told my self that any lender that rescue my family from our poor situation, i will refer any person that is looking for loan to him, he gave me happiness to me and my family, i was in need of a loan of $250,000.00 to start my life all over as i am a single mother with 3 kids I met this honest and GOD fearing man loan lender that help me with a loan of $250,000.00 SG. Dollar, he is a GOD fearing man, if you are in need of loan and you will pay back the loan please contact him tell him that is Mrs Sharon, that refer you to him. contact Dr Purva Pius,via email:(urgentloan22@gmail.com) Thank you.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home