Thursday, October 06, 2005

hindi ako absent, nag-"sick leave" ako..

but not exactly a sick leave kase wala naman akong sakit. di ko lang kayang bumangon dahil sa sobrang puyat. hindi ko ineexpect na ganon katagal ang defense ng SAD sa school at inabot na kame ng 11:00 dun. first time ko nagtaxi hanggang alabang.. siyaks. ayoko mahawa sa mga may taxi-syndrome, yung lagi bang umaasa sa taxi pag malelate na! hehe.. 12:30 am na ko nakauwi dito. kinakabahan nga ko kase di nila alam na pumunta pa kong manila. anyways, di naman ako pinagalitan, nagtext naman ako e. ang sakit ng ulo ko when papa woke me up at 5 in the morning. tapos bigla ko na lang sinabi, "di po ako papasok, masakit ulo ko". hehe.. sabi ako daw bahala, naisip ko din sayang yung sick leave ko kung di ko gagamitin.

natulog ako ulit and i planned the day ahead. sabi ko maglalaba ko, tapos itutuloy ko yung pagbasa ng Harry Potter 4, tapos saka ako manonood ng finals ng UAAP. kaso ang nagawa ko lang yung panghuli. actually dapat talaga papasok ako kahit puyat, e inatake ako ng sakit kong katamaran, at lalo pa syang umatake dahil naalala ko na game 2 ngayon - DLSU vs. FEU. and don't ask.. nalulungkot ako!!! waaah!!! huhu.. they fought a good fight, pampalubag loob ko na lang. pampalubag loob ko na lang din dahil crush na crush ko si Jonas Villanueva of FEU Tams #14 jersey nya. haayyy... ang lakas pa mangasar ng mga tao dito, kung ano yung kalaban ng La Salle, dun sila kampi. nananadya talaga, daya. ayun lang,... papasok na naman ako bukas.. hello SE38, CTRL+F2 and CTRL+F3 na naman ang drama ko. at pag minamalas, kelangan ko na naman gamitin si debugger...

1 Comments:

At 4:51 PM , Blogger Mrs Sharon Sim said...

Hello Everybody,
My name is Mrs Sharon Sim. I live in Singapore and i am a happy woman today? and i told my self that any lender that rescue my family from our poor situation, i will refer any person that is looking for loan to him, he gave me happiness to me and my family, i was in need of a loan of $250,000.00 to start my life all over as i am a single mother with 3 kids I met this honest and GOD fearing man loan lender that help me with a loan of $250,000.00 SG. Dollar, he is a GOD fearing man, if you are in need of loan and you will pay back the loan please contact him tell him that is Mrs Sharon, that refer you to him. contact Dr Purva Pius,via email:(urgentloan22@gmail.com) Thank you.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home