lost in space and wishing...
hmm.. november na pala. ang bilis ng panahon.. sabi nga ni ebe, "kay bilis kase ng buhay, pati tayo natangay.." parang buhay ko.. parang lifeline.. (ahm, redundant ba?) isang araw sobrang saya, tas biglang lulungkot.. anubah!kagabi dinalaw namin si papa sa kanyang himlayan. first all soul's season to na sya na ang dinadalaw namin. at ang magaling kong ate at nanay, late. late na nga ako e.. tsk. hehe. humiga kame dun, ang saya. i love star gazing btw. madami kang naiisip habang andun pa din ang peace of mind mo. mushy na kung mushy. :)
pero habang nakatingin ako sa mga tala, naisip ko na isa lang talaga tayong tuldok sa malaking kalawakan.. (ahm, lalim naman nyan..)
nakakahiya mang aminin, hindi ko talaga alam ang itsura ng big dipper at little dipper.. (may little dipper nga ba?) yun ba yung hugis rosary? ay ewan. :)
naalala ko.. oo nakasakit ako. nakakaguilty ang pakiramdam lalo na kung dahil wala kang naramdaman na kahit ano. sinabi nyang magalit ako para makapagsorry sya, pero hindi ako galit, hindi ako nainis, hindi ko sya namiss. wala na. siguro nasaktan ko sya dahil dun. sorry allen.
naalala ko tuloy yung tanong kong hindi ko alam kung may sense.. ang tanong na bakit madilim sa space e madami namang stars? diba ang sun ay isang star? so kung madaming stars.. bakit ang dilim sa space? (may sense ba? or tanong lang talaga ng bobo? hahaha!) sabi ni meyn.. kase nga space. so kahit may light.. kung walang object na tatamaan, hindi magrereflect ang light. (not exact wordings pero parang ganyan yung thought) tama ba?..
hay. sana pwede maghold sa thought na pag nagwish ka sa star, magkakatotoo. habang nagkakaisip kase ako, nawawala na yun. hay ulet. speaking of wishing.. wishing is like hoping, and hoping is far different from expecting.. i didn't expect. i wished.
2 Comments:
ang lalim hehe. and totoong may big dipper at little dipper.. hugis rosary ba? hmmm.. oo pwde.. pero hugis tabo talaga yun, dun nila nakuha ung pangalang "dipper".. yun lng =P
arman! wahaha! hugis tabo ba? shet. turo mo sakin. nyaha. hay. sa team nyo pala ko mapupunta for the next 3 weeks. hay ulet.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home