samu't saring kwento...
hindi na ako nakapagblog dahil sa bagyo. isang linggong iba't ibang pangyayari.kwentong ambon-lang-pala-ha!
si erjo ang kasama ko lagi lately. pag lunch, papuntang grocery, pagsakay sa mrt dahil pareho kameng nasakay dun sa landmark. sya din ang tagabatok ko tuwing may gagawin akong katangahan. e hindi ko naman alam na tanga din sya dahil naisip nyang sumugod kame sa labas sa kasagsagan ng bagyo. "ambon" lang daw yun. ayan, naambunan nga kame. grabe ang paligid nun, takbo takbo kame, lanya. pero adventure kung adventure yun. muntik na lang din ako maiyak dahil 2 pm kame umalis ng office, 8 pm ako nakauwi. wala pang kuryente. wala akong makita. akala ko hindi na ko makakauwi.. hindi ko alam kung dahil sa takot o dahil sa pagod kaya ako naiyak. may mga taong gusto ko ng itext nun kaso.. ahm. walang signal. hindi na din ako nakapasok kinabukasan. Emergency Leave na lang daw.
kwentong viva-santo-tomas!
eto masaya to. nanood kame ng game 2 ng finals ng UAAP, i was with ron, elen and sherwin. saya ng pwesto namin, sa general admission, sa likod ng mga nagddrums para sa USTe. muntik na kameng mabingi. ilang decibels ba yun? whew. bago makabili ng tiket, pila muna. sisiw, sanay na ko jan. ilang mahabang pila na ba sa PLM ang pinilahan ko? hehe. oh well, panalo USTe. ahm, One Big Fight? ok lang yan, 9 years na lang naman antayin nyo e. joke! (pero sana totoo. nyaha!) mare, sorry pala. i didn't know.. di ko alam na iiyak ka. nagkkwentuhan lang naman tayo nun diba.. :(
kwentong congrats-kasal-ka-na
sunday. sabi ni mama punta kame batangas kase ikakasal na si former-suitor. i learned about the wedding plans 2 months ago. nagtext pa nga kame at iniinvite nya ko.
dennis: punta kayo sa kasal ko ha, Oct. 1
ako: sige tignan ko ha. :)
dennis: sige na punta ka na, sunday naman yun, walang pasok.
ako: o sya sya sige pupunta na. e di for sure masaya ka? hehe.
dennis: hindi rin. miss na kita. tagal na nating di nagkikita.
ako: uy, wag ka ngang ganyan, dapat masaya ka. :)
--blah blah blah--
nung kinwento ko yun kay mama, sabi lang nya "sabihin mo gagu sya. hehe". e ang gagu naman kase. wag ganun.. tsk. hehe.. pero i realized one thing. ok pala sya. hindi ko lang nakita noon yun. mabait sakin pamilya nya, lahat ng kuya nya, nanay nya, tatay nya. tanga kase ako. ehh.. ganun talaga e.
kwentong balik-opisina-tama-na-bakasyon
ahm, oo nga.. balik opis na drama natin. ang daming email. whew. bawal ang bench hours sabi ni TL. ok, ok. busyness ang drama natin. Oct. 10 at Oct. 20 ang deadline. araw-araw na din sila may con. call sa madrid team. natatawa ko sa boses ni Diego, parang lasing na inaantok. hehe. i worked until past 11 pm last night. ayoko kase iwan yung program, (wow, yan ang ownership!) pero hindi ko na kase alam yung ibang details, pero sobrang konti na lang yun if ever na aayusin pa. so bakasyon ako ngayon till tomorrow. yey! bili pa ko gift. bridesmaid ang lola nyo sa saturday. :)
MAELE BERNADETTE! happy birthday bru! hehe. muah! :)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home