si hermit the crab at ang trekking sa enchanted...
nakakahiya... huhu.. si hermit kase e... ngayon lang ako nakakakita ng hermit crab. malay ko kung ano yun. nagpunta kame ni meyn sa makati after ng kanyang OT work, at bumili ako ng charger for my ipod. tsk. nakakainis. hay, ayaw ko na alalahanin. anyway, ayun nga, tas sinamahan ko sya pumunta sa parksquare 1, bibili naman daw sya ng parang pinapaikutan nung headset nya, kung ano man yun. tas may nakita kame nakakumpol na mga tao dun sa gitna. nagwonder ako kung ano yun. hehe. paglapit namin yun nga, may mga hermit crab, yung mga shells nila, nilagyan ng design. puro cartoons pa nga yung naalala ko. walang mga humahawak nung crab. at naglakas loob lang naman akong hawakan at itaas yung isa. pero may nakita na akong sign na "i don't bite. i just pinch." pero sige pa rin. mataas yung pagkakataas ko dahil sinusuri ko talaga sya maigi. ahm.. tas bigla kong naramdaman yung mga kamay nung hermit crab (basta yun na yun, sipit or watever) at bigla akong sumigaw at nabitawan. tsk. ang taas nung pinagbagsakan. at lahat ng nakapaligid dun na nakatingin dun sa mga hermit crab e sakin na nakatingin. sobrang hiya ko nagtago ako sa likod ng kasama ko. at niyaya ko na syang umalis. waaahhh.. pero natatawa pa din kame pag naalala namin yung kalokohang ginawa ko. waaahhh!!nagteambuilding kame kahapon. ang planong trekking sa taal volcano ay nauwi sa.. ENCHANTED KINGDOM! hehe. lunch muna sa tagaytay tas saka punta EK. masaya naman, ang saya mahilo sa space shuttle. halos di na ko makatayo. touched naman ako sa teammates ko, nipapaypayan pa talaga nila ko. hehe. 1 round sa bump car, 1 round anchors away, 2 rounds jungle log jam, 2 rounds spaceshuttle (yung mga 2 rounds na yan, magkasunod talaga, literal.) ayan, tas hindi nagpalit ng damit, nabasa at natuyuan ng pawis. ubo at sipon ang inabot ko. hehe. masaya naman. hindi ko na pinatulan si rio grande dahil grabe na ang sipon ko. sipuning bata nga daw. hehe.
o sya sya, work work muna ulet. kahit wala pa naman. hehe. magpapanggap muna ako. :)
4 Comments:
awww.. wawa naman ung hermit crab, kaw butsik ha, animal harassment yan, hehe. peace!
kumusta naman un, i'll report you to PAWS...hehehe!
bakla! musta na? hehe anyway update my link! mas maraming chika dito mwah! see ya around :-p - rochelle
oops..its http://sappysoggyme.wordpress.com :)
-me again
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home