Saturday, March 25, 2006

empleyado ba ako?? kinda...

my gas! 2 days lang ako pumasok sa opis within the week. eto nakalagay sa temporary TDoc ko... nilagay ko sa notepad para maging synchronized pag gumawa na ako ng Artes. =)

march 20 -->> monday
- sick leave (masyado ako napuyat nito, worried ako kay mama ko. she was so stressed out, hindi na din ako nakatulog, mega crying scenario pa ito.. =( can't go to the office na namamaga ang mata ko. plus, masakit ulo ko paggising ko dahil sa puyat.)

march 21 -->> tuesday
- unassgined, CBT for 4 hours (totoo ba yang 4 hours na yan?? uhh.. yeah, kinda. well, kakaroll-off ko lang sa project(again) and i'll be joining the first batch of skywalker peeps. =) so ok lang magpakapetiks ngayon. haha!)

march 22 -->> wednesday
- CMMI training in PSE, 830-530 (di ko akalain may training ako. tuesday ko lang nalaman, proxy ako kay peejay kase busyness pa din ata ang team nila. pero cool ang training ha, pretty pa ni menchu, and she's a good facilitator. nanalo pala yung group namin dito, hahaha!! we played double jeopardy, kulelat kame nung una, e pinusta na namin lahat ng points. ayun, came from behind! we won! another Accenture pouch as the price. ayus!)

march 23 -->> thursday
- Vacation Leave (bonding day with lea. =) punta kame st. jude and st. clare. nakakapagod! kung titignan, halos yung routa namin e yung routa ng LRT1, LRT2 at MRT3. from buendia taft to city hall of manila, mass/novena to St. Jude, lakad sa recto para maghanap ng reviewer for Nursing board exam, LRT2 from recto to katipunan, dasal kay St. Clare, taxi to gateway, MRT from cubao to ayala. san ka pa??)

march 24 -->> friday
- unassigned, CBT for 3 hours (kakaiba ang pakiramdam, kaya pala 2:00 pm na saka pa lang nagdadatingan ang mga tao. nakalimutan ko friday pala nun. tsk tsk.. hehehe..)


ayun, whataweek!

Sunday, March 12, 2006

eto ang literal na "chill" out...

walang plano. eto na naman kame. nagising na lang ako kahapon at gusto ko umalis, nung una di ko alam kung saan ako pwde pumunta. buti naalala ko may volleyball game si ate arlou, kaso hindi ko alam kung saan sa libis, kaya tinext ko sya at tinanong. tinext ko din si bestfwend kat at tinawagan ko sa opis si mareng elenor. payag naman sila, kaso mga 11 am na di pa din reply si ate arlou, sabi ni bestfwend gala na lang kame pag di pa din nagreply. ok na din. ayus yun, "chillawt" ika nga ni bestfwend (dapat talaga may accent??). nakadating ako ng megamall ng mga 1:30 pm, pero bago naman yun, may kabutihan naman akong nagawa sa bus:

konduktor: (sabi sa katabi ko) saan ho kayo bababa?

katabi ko: alam mo ba yung rotonda sa edsa tapos yung may papuntang J.P Rizal?

konduktor: rotonda? sa pasay lang po yung alam kong may rotonda e. (sabay bigay ng tiket na papuntang magallanes na lang)

parang hindi convinced si ate na katabi ko, I do not usually butt in to conversations, pero mukhang hirap na kase si ate, di ko na natiis kahit nakaheadset ako.

ako: saan po ba yung nakalagay sa address? (may tinitignan syang address book)

katabi ko: hindi ko nga alam e, basta daw rotonda sa may EDSA..

ako: sa magallanes na nga lang po kayo baba kase ang alam ko lang din po yung sa pasay na rotonda, mag MRT na lang po kayo papuntang Taft pagdating natin ng magallanes.

blah blah blah... mukhang ok na si ate, tinuruan ko kung pano pumuntang MRT. hehe.. nakaheadset na ulit ako, bigla nya ko kinalabit.

katabi ko: eto daw, sa crossing daw ako bumaba tapos jeep puntang J. Vargas. (pinakita nya ang cellphone nya)

ako: (nagmamagaling) ahh.. sa crossing, dun po yan sa may shaw, pagkalagpas po yan ng boni ave. sasabihin ko na lang po kayo kung saan kayo bababa. tapos magtanong na lang po kayo kung saan makakasakay ng jeep papuntang J. Vargas.

hehe.. at dun nagtapos ang encounter ko with ate. sana nakadating nga sya sa destination nya. nakababa naman sya ng crossing e. hehe.. ayun nga, gumawa naman ako ng good deed, ewan ko ba kung bakit minalas ako pagdating ng megamall..

nagmeet kame ni bestfwend, pero sabi nya before pa ako umalis, gusto daw ako mameet ni pareng eman. (officemate ni bestfwend na naging friend ko na din) di ko pa din kase sya namimeet ng personal, nagcchat lang kame. natuwa naman ako kase shyness daw lagi etong si pare. ayun, met them at French Baker, nagkalituhan pa, laki kase ng megamall e. tsk tsk.. kasama din nila si jabby/jabi/kaloy/caloi (kung ano man dyan). gutom na din ako, nagaya sila sa Chef Donatello. ok cge, gutom na din kase ako. pagkatapos namin umorder, upo na kame ni bestfwend, yung isang crew yung nagdala ng iced tea. biglang....

natapon ang 2 baso ng iced tea sakin, as in swak! yung loob ng bag ko, yung blouse ko, yung pants ko, yung tsinelas ko. napasigaw ako shempre, natulala, hindi alam ang gagawin. hindi ko na maalala kung nagpanic ba ang mga tao dun, basta alam ko inoffer na lang nila yung dryer dun sa loob. shempre hindi naman ako nagalit, hindi naman nya sinasadya yun. kahit swak talaga yung pagbuhos ng iced tea, potek. wala din namang mangyarari, hindi naman ako matutuyo kung magagalit ako. nagtawanan na lang kame. e kesa naman ako tawanan nila jan, mauuna na ko tawanan ang sarili ko. hehehe... para akong si mr. bean, yaiks. hahaha! pero ok lang, medyo natuyo na yung blouse ko, kaso basang basa pa din yung 3 panyo ko, nabasa yung badge ko, headset ko, wallet ko, pero wala na tayong magagawa jan. pinatuyo na lang din namin kaso sumuko na ang dryer. hay, as a peace offering ata, may nagbigay samin ng 3 scoops of ice cream, nagshare na lang kameng apat. grabe..... ang lamig, giniginaw talaga ko nun, ikaw ba naman matapunan ng yelo e. ayun, nagpaalam na din si kaloy kase may shift pa sya, kelangan nya matulog. 3 na lang kame. pero masaya pa din, nanood kame ng movie, kahit hindi ako natuwa sa ending. tapos nagtimezone din kame. tapos tamang kwentuhan lang. nakita ko ulit si Joseph Yeo, parang may showdown dun tapos magsscore sila. cute nya pa din in fairness. hehehe.. actually balak pa nga sana namin manood ng acoustic kaso antok na yung 2 kasama ko, pero for sure si pareng eman ok pa yun. hehehe.. at wala na din akong pera kaya antay na lang muna tayo ng sweldo. hehe.. bukas monday na naman.. may gagawin na kaya ako?? well bahala na, nageenjoy naman din ako kahit ganito. mangangapa lang siguro ulit ako pag magpprogram na ulit ako. waaah!!!

Friday, March 03, 2006

lungkot..

ayoko ng maging malungkot. pero minsan hindi ko din maiwasan, normal lang naman din siguro tong nararamdaman ko at kahit sabihin nating tanggap ko na ang sitwasyon namin ngayon, mahirap pa din. kagabi lang umiiyak na pala ako sa bus, walang tigil ang pagpatak ng luha ko, madami pa din akong naalala tungkol sa papa ko. naging mababaw na din ang luha ko simula nung iniwan na nya kame. kagabi, habang nakapila ako pasakay sa bus papunta samin, hindi ko maiwasang tumingin dun sa isang babae, nagtatrabaho na din sya sa tingin ko, kausap nya yung tatay nya, kasama nya sa pila. naiinggit ako, hindi ko maiwasang maiinggit. kahit tuwing nagsisimba ako, may makikita akong pamilya at andon yung tatay nila, naiinggit talaga ko. namumuo luha sa mata ko pag nakakakita ako ng ganon. ang daming alaala, pagkabata ko pa lang, lagi na syang andyan, naalala ko ang mga ngiti nya, yung boses nya, pag tumatawa sya, yung itsura nya pag ginugulat namin sya tuwing dadating sya galing trabaho nung mga bata pa kame, yung boses nya pag galit samin. lagi ko pa din sya naiisip pag napapagisa ako, at nadudurog ang puso ko pag may mga bagay akong naaalala. sobrang sakit pa din pala.. ngayon, merong ng space sakin na wala ng pwedeng makapuno.

Thursday, March 02, 2006

after a month...

it's so weird.. alam ko walang blogspot dito at kahit ano, ang weird... well anyways, pabor naman ito sakin. potek, dahil sa BS7799 hindi na ko nakakapagupdate ng blog ko. pagdating naman sa bahay tulog na agad. hehehe.. sorry blog! =)

UPDATES?

- maroroll off ata ko na walang ginagawa, uy, hindi naman kasalanan yun, colorless nga status ng project namin e. hehehe.. wala kase silang binibigay na task..

- lumipat na ko ng cube, actually ang tagal na. hay, BS7799 talaga o! nalipat na ko sa dulo ng mundo, iba na mga katabi ko. i miss abby.. =( pero nagpupunta pa din naman ako sa cube nila para makipagchikahan, hirap makipagchikahan dito sa pwesto ko e. hehehehe..

- congrats sa mga napromote! wala lang. hehehehe...

- tomorrow volleyball game na ng APEX vs. J&J daw. hmm.. manalo kaya kame? hehehe...

- had a date with bestfriend tj. hehehe.. masaya talaga pag childhood friend mo, no pretensions, sarap pa magreminisce. hahaha! we're laughing our hearts out, catching up. saya talaga pag malaya. hehehe..

- inadd ako ni jam a.k.a uberjam sa YM. =) i really don't know him personally, pero kahit papano nasusubaybayan ko naman ang buhay nya bilang isang law student. nakakatuwa kase nung una binabasa ko lang ang buhay nya tapos ngayon kachat ko pa sya. =) kung may alam pala kayong raket jan tungkol sa pagsusulat or pagddrowing, sabhin nyo sa kanya, BLUEPER yung pangalan ng link ko sa kanya. hehehe..

- gained friends lately, shempre sa chat. mga friends of friends naman sila. namely eman, toys, midge, arkie, ron. hehehe.. hindi na din ako nakakasabay maglunch sa mga officemates ko, para na akong nakaglue dito sa upuan ko kakachat. hehehe..

- got an invitation to be a panelist for Thesis 2. ewan ko lang kung punta ako. bahala na. =)

- napanood ko na close to you! hahaha! jologs na kung jologs, maganda e. hehehe.. hindi ako fan nila john lloyd at bea, or ni sam milby, mukhang ok lang talaga yung story. actually, cute naman. masaya kiligin kahit papano.

- finished Da Vinci code last week, and now i'm starting with The Rainmaker by John Grisham. ewan ko ba, gustong gusto ko magbasa ngayon, ayoko lang siguro maging stagnant. invest in your mind ika nga.

- hindi ko napanood Memoirs of a Geisha.. actually dpat manonood na ko nung araw na yun, pero naginternet ako at nagsearch ng mga movie reviews, nawalan ako ng gana sa mga nabasa ko. hehehe.. ewan ko ba, malay ko naman kung maganda nga yun diba?


almost a month na pala since nakapagpost ako. ay langya naman kase, di na ko makapagblog. hay, swerte lang talaga ngayon. hehehe..