Monday, October 17, 2005

oo na.. tsabi na...

ito ang lunes na dapat ay linggo, hehe.. pumasok nga kase ako nung saturday, at mali ang inaakala kong makakauwi ako ng maaga dahil 11:00 pm na kame naghiking ni dona paalis dito sa cybergate papuntang edsa. nakakatakot!! hehe.. dami pa naman ako naririnig na balita jan sa boni station. well anyways, ok pa naman ako, ambilis ko maglakad!! haha!! kinabukasan, akalain mong fiesta na pala samin?.. di ko man lang nafeel at tulog na tulog pa ko, 10 am na nun. dumating sila tita, nanay and some kids na pinsan ko, shempre alam ko na, tumaba daw ako. langya.. hehe.. ayun, parang family gathering lang ang nangyari, although di kumpleto, ok lang, basta andun si nanay, namiss ko kase sya.. haay..

nung hapon, i decided na magsimba kasama sila pareng rod and pareng camyl, hehe.. nagtatampo na sila kase busy daw ako lagi. pupunta na kaseng bicol si myl kaya baka mawalan na naman kame ng time para magmeet. as usual, tawa kame ng tawa, pero shempre may napansin na naman sila, tumaba daw ako! inaasar tuloy ako ni rod. badtrip. hehe.. nagjollibee kame after sa church, at napaisip din ako sa tanong ni rod, "bakit pagtapos magsimba ang mga tao lagi sa jollibee?" oo nga noh! bakit nga ba? kahit naman hindi bata nagpupunta pa din dun. napaisip ako dun at di ko pa din alam ang sagot. haaay... ang tsabi tsabi ko na!! kainis, pag di naman ako kumain, abah.. baka di naman ako makapagtrabaho ng maayos, ayoko naman magkaroon lagi ng work-related gutom. jellyace assorted flavors at chocnut na nga lang ang nakakapagmotivate sakin.. huhu.. ay naku, bahala na nga, di ko kase nafifeel na tumataba ako dahil halos lahat kame nagtatabaan dito sa opis.

kahit nakakapagod kahapon hanggang ngayon, masaya ako. nakita ko kase ulit yung mga taong matagal ko ng hindi nakita. sa gitna ng jolly meat pie at ice cream, lahat ata ng tawa natawa ko na kahapon, kahit nung umaga napikon ako kay ate. hehe.. pero wala na yun. para lang yang pagkain ng cornbits, mas masarap ang cornbits pag may kaagaw ka. hehe.. masaya. natry ko kase kumain ng solo ko lang yung cornbits, parang ang dami dami. hehe.. ano beh... pagkain na naman.. kaya tsumatsabi e. hehe..

1 Comments:

At 4:49 PM , Blogger Mrs Sharon Sim said...

Hello Everybody,
My name is Mrs Sharon Sim. I live in Singapore and i am a happy woman today? and i told my self that any lender that rescue my family from our poor situation, i will refer any person that is looking for loan to him, he gave me happiness to me and my family, i was in need of a loan of $250,000.00 to start my life all over as i am a single mother with 3 kids I met this honest and GOD fearing man loan lender that help me with a loan of $250,000.00 SG. Dollar, he is a GOD fearing man, if you are in need of loan and you will pay back the loan please contact him tell him that is Mrs Sharon, that refer you to him. contact Dr Purva Pius,via email:(urgentloan22@gmail.com) Thank you.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home