Wednesday, November 30, 2005

ako naman ang magrarandom thoughts...

---->> hindi related ang mga yan sa isa't isa. basta alam ko kelangan ko sila malagay dito. tignan nyo na lang kung agree kayo or hindi..


masaya pala kapag napag-iisa ka minsan kapag kelangan mo ng break....

masaya pumunta sa festival mall kahit mag-isa ka lang.....

nakakainis ang mga taong insensitive sa mga taong nakapaligid sa kanila...

nakakatuwa pag alam mong may silbi ka, kapag may ginagawa ka. sa opisina o sa bahay...

ang alam ko, sa team, tulungan.. wala lang...

pinakaayaw ko sa lahat ang mga taong nang-OOP.. the feeling that you're like a fish out of the waters..

kapag nasa isang grupo ka, wag kang magbabanggit ng mga pangalang hindi kilala ng nakakarami, kung hindi mo naman matiis, mag kwento ka lang ng background nung tao pwde na.. nakakainis!!

mas napapahalagahan mo ang mga tao kapag nakasama mo sa hirap, sa iyak...

nakakamiss talaga ang TAWANG may TUWA... ilang beses ko ng inuulit ulit yan, basta...

kung pwde lang na habambuhay ka na lang nag-aaral, pero dumadating pa din ang pera, mag-aaral na lang ako, pramis!

masaya ako kapag nakikita kong palubog ang araw, at naamoy ko ang hangin ng christmas time...

WALA LANG! [ulit]

Tuesday, November 29, 2005

happy!...

ayus ang long weekend, nasulit ko naman at very productive na naman ako.=) saturday, i got my new fone! yehey! eto talaga yung gusto ko pramis. pero shempre dugo't pawis ko ulit ang ipapambayad ko sa papa ko dahil charged sa credit card nya yun. hihi.. sunday naman, maaga ulit ako nagsimba.=) kasama ko buong family, hindi naman pala mahirap gumising ng sunday morning, wag lang ako talaga mapupuyat. at kahapon naman, nagpacheckup ako ng mata. sayang kase yung mga free certificates from infinity, at 2,500 din yun ha! hehe.. may sobrang konti daw akong astigmatism sa left eye ko.. nakakalungkot, di na ako 20/20 gaya ng lagi kong pinagyayabang. hehe.. at ngayon hindi ko alam kung dapat na ba ako magsalamin.. may nagsasabi na oo at may nagsasabi na wag daw.. haaay.. wala akong kasama magpacheckup kahapon sa festival, bigla kong naisip itext si lea, ang buddy ko sa pagcocompute ng physics problems namin nung highschool at katabi ko pa alphabetically. hehe.. namiss ko sya!! sa dami ng tao sa festival, lumipat kame ng alabang town, grabe, at ganun pa din, walang nagbago. kulang na kulang ang oras sa pagkkwentuhan namin at wala na din akong pakielam sa mga tao sa starbucks kung malakas man kame tumawa. haha!! first time ko din nagamit ang credit card ko. nakakabobo. hehehe.. halatang first time ko nakakahiya. at may isa pang nangyaring nakakahiya, hehe.. basta.

at ngayon andito ulit ako sa opisina. tapos na ang long weekend. bagong skin ng blog ko pala!! nung friday night ko lang binago dito mismo sa opis, dahil petiks na ko nun. hihi.. for UAT na yung inenhance kong program, antay na lang ako ng feedback. ayun, ngayon ko lang natapos ilagay ang mga link ko dahil di ko na matandaan lahat, kaya di ko magawa sa bahay, pati ang link kung saan ko nakuha tong skin na to. thanks sayo!! http://blog-templates.ravasthi.name/ =)

Sunday, November 20, 2005

labindalawang oras...

unang ticket.. nabobo na ba ako at simpleng "write" statement, hindi ko maayos??? hehe.. pressure yun ha! it was a super beezee week, plus the fact that only 12 hours was given for the enhancement of this program. kabado lang po.. pasensya na.. ang daming epekto nito sakin.. huhu.. naging mainitin ulo ko, halos mabuang na ko kakaalign ng mga tables sa output, at ang pinakamasaklap.. ang memory gap. monday pa lang, 11 pm na ko umalis ng office.. kakalign lang po yun. pumasok pa din ako ng maaga dahil hindi ako nakatulog kakaisip sa program ko.. hindi ko kase makita kung tama yung dinidisplay na values ng minodify kong program kaya mega focus muna ko sa kakaayos ng mga linya at hindi ko sya maayos ayos.. buti na lang nakita ko kung bakit. sobra sobra na sa maximum limit kaya ganun lagi ang output nya.. sinabi ko sa functional team na kausap ko. at pinabago ang requirements.. medyo nakahinga ako ng maluwag at nung medyo binago ko ulit ng konti. ok na sya!! ang galing! hehehe.. so figures na lang ang ichecheck ko kung tama. thanks to jason talaga. he's a big help! kahit halos magwrestling na kame dun sa pagaagawan ng mouse at keyboard dahil pinagttripan nya ang mga IMs ko. hayup. sabihin daw bang mahal si harry habang account ko ang gamit nya?? pero sorry, di ko na crush ko harry boi. well anyways, makakaganti din ako sa kanya. hehehe...

napanood ko na harry potter!! yehey!! 2 times na, first, free movie night ng accenture. at ayus, dahil first day namin sya napanood. i am a bit disappointed, shempre, ganon naman talaga pag nabasa mo yung book. ang daming scenes ang hindi included. add mo pa yung ibang arrangements ng story, may hindi magkasunod. ayun.. pero in fairness, naiyak naman ako nung part na ni cedric.. wala lang.. 2nd round ko ng movie kahapon, with my berks, namiss ko sila! hehe.. di ko talaga nakilala si bestfwend kat, ang sakit sa puso nun ha! pataba ka! gaya ko. hehehe.. gasgas na gasgas kahapon ang linyang "people change talaga.." haha!! pati "sometimes, people get worse".. hihi.. sobrang hangin naman kase nung taong pinagusapan namin e. shheesh.. naalala ko yung lacey blouse na hindi ko alam kung saan ko nalapag sa sm.. huhu.. wala lang. buti hindi mahal yun. nakakainis! talking about memory gap!

ayun.. component test plan na lang ang gagawin ko bukas. hehe.. sana tama na yung figures ng output.. pero alam ko tama na yun! ayoko na! hehehe.. pinakamadali ang write statement pero yun ang gumulo ng linggo ko. grabe. unpredictable pala ang language na yun. hehe.. FYI: hindi ko nameet ang labindalawang oras. haay.. pero at least, natapos ko sya within that week. sana di na maulit to.. till next post ulit!! =)

Thursday, November 10, 2005

the events planner...

i'm getting worse.. ang dating alis ko na 6:00, na naging 6:30, na naging 7:00, at kanina, di ko akalaing 7:30 na ko umalis ng bahay.. hehe.. buti na lang at mabilis ang bus na nasakyan ko at 8:30 e andito na ko. whew! updates dito sa office?.. umm.. dumadami na kame. as of now 85 na pala kame sa project. wish ko lang matandaan ko sila lahat diba? yung mga newbies naman, kilala ko na lahat. at medyo hindi sila nahihiyang barahin or asarin ako, first encounter ganun agad?? hehe.. pero ok lang. mababait naman sila. so meaning, not so newbies na kame dito sa opis. =) binibigyan pa nga ako ng mp3s. hehe.. sweet! naks! nakakaawa na kase yung music ko sa pc ko, hindi na updated. as of now naadik pa din ako sa "takeshi" ng kiko machine. cute talaga ni JP. hehe.

malapit na pala ang december, shempre sa mga opis, may christmas party, at akalain mong organizer na naman ako??.. huhu.. paranoid nga ako e, baka kinuha nila mga resume namin sa HR tapos nakita kung ano anong org ang nakalagay dun, kaya naisip nila i am SO used to that. pero kahapon nung nagmeeting kame, i realized nageenjoy ako, ideas are flowing at nakakatuwa talaga. tin is a good leader i must say =) eto nga siguro ang forte ko. kelangan talaga ng balance sa work and personal and social life kase naisip ko kahapon, kung magccode and program ako araw araw sa buong buhay ko, baka mabuang na ko. hehe. kahit naman sino siguro noh. well madami ng nabubuong plans every meeting namin. nakakatuwa kase walang nasasayang na oras. everybody's doing their job. organized din ang pagpplan. hanga nga ako kay tin e. hehe.. sana ganun din ako magorganize, kase minsan sabog ako magplano. hehe.. walang logical flow. [naks! programming na naman??] hehe.. masaya magorganize ng events, nakakapagod pero pag nakita mo yung output na maganda, fulfilling talaga. kung bibigyan ako ng alternative career, siguro maging events coordinator na yun, pwede ding wedding planner o kaya wedding singer. ;) hehehe..

Friday, November 04, 2005

ang mayric's at ang sabon...

tama ang predictions ko.. wala nga akong ginawa kahapon. at ngayon wala na namang pasok. nagbantay lang ako ng mga newbies kahapon, may hangover pa ata ang mga team lead sa nakaraang holidays. after office natuloy ang lakad namin ni mareng alvie sa mayric's, nanood kame ng gig ng college batchmates namin. maraming pinoy bands daw ang tumugtugtog dun na sumikat talaga. first time namin mapuntahan ang mayric's sa espanya, at maliligaw ka talaga dahil hindi malaki at hindi mo mapapansin na mayric's na pala yun. parang number 12 grimmauld place sa harry potter. hehe.. pero worth it naman ang 120.00 pesos namin. nagenjoy talaga kame. maraming bands yung tumugtog. yung una, parang bamboo yung type ng music nila. cover song pa nga yung unang tugtog nila. pangalawa, pangatlo, medyo maiingay na. hard core type ba. pero dati di talaga ako nakikinig nun pero kagabi naappreciate ko naman. pang-apat... eto ang highlight talaga.. KIKO MACHINE!! ni hindi ko sila kilala dati. hindi ko din alam na sila ang tumugtog ng "barkada trip" sa studio 23. nung marinig ko ang music nila.. astig talaga... kinanta nia ang "val sotto", "boldstar", "takeshi's castle", "mc gyver", "kiko ranger" [da best!], di ko na maalala yung iba. pagkatapos nila tumugtog akala ko hindi ko na malalaman ang pangalan nung isang vocalist nila, pero nakamayan at pinakilala pa sya samin! haha!! si JP, siya yung isang vocalist nila na nakasalamin. naging instant crush ko naman sya dahil ang galing nya talaga kumanta. hehe.. pagkatapos nila saka lang tumugtog ang brocha. dun ko lang nalaman na "scremo" [tama ba?] ang type of music nila. yung rock pero in-touch sa emotions. astig talaga. ang galing ng kiko machine, unique sila, unique ang mga kanta nila. galing talaga.






at ayun, 2:45 am na ko nakadating dito. dun na ko nasabon.. alam ko naman, nagaalala lang sila. pero ok lang, nag-enjoy naman ako, kahit ilang oras din akong naging 2nd hand smoker, at amoy yosi ang buong katawan ko. hehe.. bibili talaga ako ng album nila. =) mabuhay sila. hehe..

Wednesday, November 02, 2005

holiday kung holiday...

wala akong gagawin ngayong linggong 'to.. nararamdaman ko talaga.. bakit? ngayon, wednesday.. ang daming nagleave. inextend daw nila para derederecho talaga ang vacation. sa nov. 4 na lang daw sila papasok. tapos, roll-off na ko sa project ko, friday last week pa. wala din ang team lead ko ngayon, wala na ding problem sa iniwan kong project, na sinabi ko na pag kelangan ng help, ok lang na tumulong ako. ano pang gagawin ko? ni hindi ko nga alam kung saan na ako pupunta ulit. pati yung sinabi sakin na maoon-loan ako hanggang june 2006, kwentong barbero na lang din ata. sabi ni ms. lady sa kanya na daw ako e. hehe.. ok lang. pero sayang lang din kase may crush ako dun sa dapat na lilipatan kong project. sayang!! cute pa naman nun. naging visible na sya sa paningin ko since the day na tinuro sya sakin ni dianne.

naisip ko sana di na lang ako pumasok kase wala talaga akong gagawin.. haay... holidays nga naman. di ko din maintindihan kase pag madaming ginagawa, naiinis ako. pero ayoko naman ng walang ginagawa. hehe.. nagdownload na lang tuloy ako ng harry potter 5 na .doc.. tsk tsk.. ang sama ko, pirata pa din yun e! wala kase talaga ko magawa e.. =( ayun, natapos ko na pala ang harry potter and the goblet of fire! hehe.. nirequire ko ang sarili ko kaya yun, ang saya!! at eto na ang itsura ng desktop ko. hehe.. malapit na natin mapanood!!!


Image hosted by Photobucket.com




naalala ko, ang ganda pala nung museleo [tama ba?] ni rico yan.. hehe.. nabibisita ko din sya every oct. 31 kase malapit lang nakalibing yung lolo ko sa pwesto nila. hehe.. ang ganda talaga.. pramis. nakaukit sa marble yung mukha nya, ang ganda talaga. at ang cute pa din nya. naalala ko ang mga gabing napuyat ako nun kakapanood ng mga tributes nya. hehe..