ang mayric's at ang sabon...
tama ang predictions ko.. wala nga akong ginawa kahapon. at ngayon wala na namang pasok. nagbantay lang ako ng mga newbies kahapon, may hangover pa ata ang mga team lead sa nakaraang holidays. after office natuloy ang lakad namin ni mareng alvie sa mayric's, nanood kame ng gig ng college batchmates namin. maraming pinoy bands daw ang tumugtugtog dun na sumikat talaga. first time namin mapuntahan ang mayric's sa espanya, at maliligaw ka talaga dahil hindi malaki at hindi mo mapapansin na mayric's na pala yun. parang number 12 grimmauld place sa harry potter. hehe.. pero worth it naman ang 120.00 pesos namin. nagenjoy talaga kame. maraming bands yung tumugtog. yung una, parang bamboo yung type ng music nila. cover song pa nga yung unang tugtog nila. pangalawa, pangatlo, medyo maiingay na. hard core type ba. pero dati di talaga ako nakikinig nun pero kagabi naappreciate ko naman. pang-apat... eto ang highlight talaga.. KIKO MACHINE!! ni hindi ko sila kilala dati. hindi ko din alam na sila ang tumugtog ng "barkada trip" sa studio 23. nung marinig ko ang music nila.. astig talaga... kinanta nia ang "val sotto", "boldstar", "takeshi's castle", "mc gyver", "kiko ranger" [da best!], di ko na maalala yung iba. pagkatapos nila tumugtog akala ko hindi ko na malalaman ang pangalan nung isang vocalist nila, pero nakamayan at pinakilala pa sya samin! haha!! si JP, siya yung isang vocalist nila na nakasalamin. naging instant crush ko naman sya dahil ang galing nya talaga kumanta. hehe.. pagkatapos nila saka lang tumugtog ang brocha. dun ko lang nalaman na "scremo" [tama ba?] ang type of music nila. yung rock pero in-touch sa emotions. astig talaga. ang galing ng kiko machine, unique sila, unique ang mga kanta nila. galing talaga.at ayun, 2:45 am na ko nakadating dito. dun na ko nasabon.. alam ko naman, nagaalala lang sila. pero ok lang, nag-enjoy naman ako, kahit ilang oras din akong naging 2nd hand smoker, at amoy yosi ang buong katawan ko. hehe.. bibili talaga ako ng album nila. =) mabuhay sila. hehe..
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home