the events planner...
i'm getting worse.. ang dating alis ko na 6:00, na naging 6:30, na naging 7:00, at kanina, di ko akalaing 7:30 na ko umalis ng bahay.. hehe.. buti na lang at mabilis ang bus na nasakyan ko at 8:30 e andito na ko. whew! updates dito sa office?.. umm.. dumadami na kame. as of now 85 na pala kame sa project. wish ko lang matandaan ko sila lahat diba? yung mga newbies naman, kilala ko na lahat. at medyo hindi sila nahihiyang barahin or asarin ako, first encounter ganun agad?? hehe.. pero ok lang. mababait naman sila. so meaning, not so newbies na kame dito sa opis. =) binibigyan pa nga ako ng mp3s. hehe.. sweet! naks! nakakaawa na kase yung music ko sa pc ko, hindi na updated. as of now naadik pa din ako sa "takeshi" ng kiko machine. cute talaga ni JP. hehe.malapit na pala ang december, shempre sa mga opis, may christmas party, at akalain mong organizer na naman ako??.. huhu.. paranoid nga ako e, baka kinuha nila mga resume namin sa HR tapos nakita kung ano anong org ang nakalagay dun, kaya naisip nila i am SO used to that. pero kahapon nung nagmeeting kame, i realized nageenjoy ako, ideas are flowing at nakakatuwa talaga. tin is a good leader i must say =) eto nga siguro ang forte ko. kelangan talaga ng balance sa work and personal and social life kase naisip ko kahapon, kung magccode and program ako araw araw sa buong buhay ko, baka mabuang na ko. hehe. kahit naman sino siguro noh. well madami ng nabubuong plans every meeting namin. nakakatuwa kase walang nasasayang na oras. everybody's doing their job. organized din ang pagpplan. hanga nga ako kay tin e. hehe.. sana ganun din ako magorganize, kase minsan sabog ako magplano. hehe.. walang logical flow. [naks! programming na naman??] hehe.. masaya magorganize ng events, nakakapagod pero pag nakita mo yung output na maganda, fulfilling talaga. kung bibigyan ako ng alternative career, siguro maging events coordinator na yun, pwede ding wedding planner o kaya wedding singer. ;) hehehe..
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home