Sunday, November 20, 2005

labindalawang oras...

unang ticket.. nabobo na ba ako at simpleng "write" statement, hindi ko maayos??? hehe.. pressure yun ha! it was a super beezee week, plus the fact that only 12 hours was given for the enhancement of this program. kabado lang po.. pasensya na.. ang daming epekto nito sakin.. huhu.. naging mainitin ulo ko, halos mabuang na ko kakaalign ng mga tables sa output, at ang pinakamasaklap.. ang memory gap. monday pa lang, 11 pm na ko umalis ng office.. kakalign lang po yun. pumasok pa din ako ng maaga dahil hindi ako nakatulog kakaisip sa program ko.. hindi ko kase makita kung tama yung dinidisplay na values ng minodify kong program kaya mega focus muna ko sa kakaayos ng mga linya at hindi ko sya maayos ayos.. buti na lang nakita ko kung bakit. sobra sobra na sa maximum limit kaya ganun lagi ang output nya.. sinabi ko sa functional team na kausap ko. at pinabago ang requirements.. medyo nakahinga ako ng maluwag at nung medyo binago ko ulit ng konti. ok na sya!! ang galing! hehehe.. so figures na lang ang ichecheck ko kung tama. thanks to jason talaga. he's a big help! kahit halos magwrestling na kame dun sa pagaagawan ng mouse at keyboard dahil pinagttripan nya ang mga IMs ko. hayup. sabihin daw bang mahal si harry habang account ko ang gamit nya?? pero sorry, di ko na crush ko harry boi. well anyways, makakaganti din ako sa kanya. hehehe...

napanood ko na harry potter!! yehey!! 2 times na, first, free movie night ng accenture. at ayus, dahil first day namin sya napanood. i am a bit disappointed, shempre, ganon naman talaga pag nabasa mo yung book. ang daming scenes ang hindi included. add mo pa yung ibang arrangements ng story, may hindi magkasunod. ayun.. pero in fairness, naiyak naman ako nung part na ni cedric.. wala lang.. 2nd round ko ng movie kahapon, with my berks, namiss ko sila! hehe.. di ko talaga nakilala si bestfwend kat, ang sakit sa puso nun ha! pataba ka! gaya ko. hehehe.. gasgas na gasgas kahapon ang linyang "people change talaga.." haha!! pati "sometimes, people get worse".. hihi.. sobrang hangin naman kase nung taong pinagusapan namin e. shheesh.. naalala ko yung lacey blouse na hindi ko alam kung saan ko nalapag sa sm.. huhu.. wala lang. buti hindi mahal yun. nakakainis! talking about memory gap!

ayun.. component test plan na lang ang gagawin ko bukas. hehe.. sana tama na yung figures ng output.. pero alam ko tama na yun! ayoko na! hehehe.. pinakamadali ang write statement pero yun ang gumulo ng linggo ko. grabe. unpredictable pala ang language na yun. hehe.. FYI: hindi ko nameet ang labindalawang oras. haay.. pero at least, natapos ko sya within that week. sana di na maulit to.. till next post ulit!! =)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home