lungkot..
ayoko ng maging malungkot. pero minsan hindi ko din maiwasan, normal lang naman din siguro tong nararamdaman ko at kahit sabihin nating tanggap ko na ang sitwasyon namin ngayon, mahirap pa din. kagabi lang umiiyak na pala ako sa bus, walang tigil ang pagpatak ng luha ko, madami pa din akong naalala tungkol sa papa ko. naging mababaw na din ang luha ko simula nung iniwan na nya kame. kagabi, habang nakapila ako pasakay sa bus papunta samin, hindi ko maiwasang tumingin dun sa isang babae, nagtatrabaho na din sya sa tingin ko, kausap nya yung tatay nya, kasama nya sa pila. naiinggit ako, hindi ko maiwasang maiinggit. kahit tuwing nagsisimba ako, may makikita akong pamilya at andon yung tatay nila, naiinggit talaga ko. namumuo luha sa mata ko pag nakakakita ako ng ganon. ang daming alaala, pagkabata ko pa lang, lagi na syang andyan, naalala ko ang mga ngiti nya, yung boses nya, pag tumatawa sya, yung itsura nya pag ginugulat namin sya tuwing dadating sya galing trabaho nung mga bata pa kame, yung boses nya pag galit samin. lagi ko pa din sya naiisip pag napapagisa ako, at nadudurog ang puso ko pag may mga bagay akong naaalala. sobrang sakit pa din pala.. ngayon, merong ng space sakin na wala ng pwedeng makapuno.
1 Comments:
heyyy... iyak lang..makakabuti yan..and yep for sure masakit.. ingat po lagi ah! dasal na lang tayo para ok sya kung san man papa mo.. :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home