eto ang literal na "chill" out...
walang plano. eto na naman kame. nagising na lang ako kahapon at gusto ko umalis, nung una di ko alam kung saan ako pwde pumunta. buti naalala ko may volleyball game si ate arlou, kaso hindi ko alam kung saan sa libis, kaya tinext ko sya at tinanong. tinext ko din si bestfwend kat at tinawagan ko sa opis si mareng elenor. payag naman sila, kaso mga 11 am na di pa din reply si ate arlou, sabi ni bestfwend gala na lang kame pag di pa din nagreply. ok na din. ayus yun, "chillawt" ika nga ni bestfwend (dapat talaga may accent??). nakadating ako ng megamall ng mga 1:30 pm, pero bago naman yun, may kabutihan naman akong nagawa sa bus:konduktor: (sabi sa katabi ko) saan ho kayo bababa?
katabi ko: alam mo ba yung rotonda sa edsa tapos yung may papuntang J.P Rizal?
konduktor: rotonda? sa pasay lang po yung alam kong may rotonda e. (sabay bigay ng tiket na papuntang magallanes na lang)
parang hindi convinced si ate na katabi ko, I do not usually butt in to conversations, pero mukhang hirap na kase si ate, di ko na natiis kahit nakaheadset ako.
ako: saan po ba yung nakalagay sa address? (may tinitignan syang address book)
katabi ko: hindi ko nga alam e, basta daw rotonda sa may EDSA..
ako: sa magallanes na nga lang po kayo baba kase ang alam ko lang din po yung sa pasay na rotonda, mag MRT na lang po kayo papuntang Taft pagdating natin ng magallanes.
blah blah blah... mukhang ok na si ate, tinuruan ko kung pano pumuntang MRT. hehe.. nakaheadset na ulit ako, bigla nya ko kinalabit.
katabi ko: eto daw, sa crossing daw ako bumaba tapos jeep puntang J. Vargas. (pinakita nya ang cellphone nya)
ako: (nagmamagaling) ahh.. sa crossing, dun po yan sa may shaw, pagkalagpas po yan ng boni ave. sasabihin ko na lang po kayo kung saan kayo bababa. tapos magtanong na lang po kayo kung saan makakasakay ng jeep papuntang J. Vargas.
hehe.. at dun nagtapos ang encounter ko with ate. sana nakadating nga sya sa destination nya. nakababa naman sya ng crossing e. hehe.. ayun nga, gumawa naman ako ng good deed, ewan ko ba kung bakit minalas ako pagdating ng megamall..
nagmeet kame ni bestfwend, pero sabi nya before pa ako umalis, gusto daw ako mameet ni pareng eman. (officemate ni bestfwend na naging friend ko na din) di ko pa din kase sya namimeet ng personal, nagcchat lang kame. natuwa naman ako kase shyness daw lagi etong si pare. ayun, met them at French Baker, nagkalituhan pa, laki kase ng megamall e. tsk tsk.. kasama din nila si jabby/jabi/kaloy/caloi (kung ano man dyan). gutom na din ako, nagaya sila sa Chef Donatello. ok cge, gutom na din kase ako. pagkatapos namin umorder, upo na kame ni bestfwend, yung isang crew yung nagdala ng iced tea. biglang....
natapon ang 2 baso ng iced tea sakin, as in swak! yung loob ng bag ko, yung blouse ko, yung pants ko, yung tsinelas ko. napasigaw ako shempre, natulala, hindi alam ang gagawin. hindi ko na maalala kung nagpanic ba ang mga tao dun, basta alam ko inoffer na lang nila yung dryer dun sa loob. shempre hindi naman ako nagalit, hindi naman nya sinasadya yun. kahit swak talaga yung pagbuhos ng iced tea, potek. wala din namang mangyarari, hindi naman ako matutuyo kung magagalit ako. nagtawanan na lang kame. e kesa naman ako tawanan nila jan, mauuna na ko tawanan ang sarili ko. hehehe... para akong si mr. bean, yaiks. hahaha! pero ok lang, medyo natuyo na yung blouse ko, kaso basang basa pa din yung 3 panyo ko, nabasa yung badge ko, headset ko, wallet ko, pero wala na tayong magagawa jan. pinatuyo na lang din namin kaso sumuko na ang dryer. hay, as a peace offering ata, may nagbigay samin ng 3 scoops of ice cream, nagshare na lang kameng apat. grabe..... ang lamig, giniginaw talaga ko nun, ikaw ba naman matapunan ng yelo e. ayun, nagpaalam na din si kaloy kase may shift pa sya, kelangan nya matulog. 3 na lang kame. pero masaya pa din, nanood kame ng movie, kahit hindi ako natuwa sa ending. tapos nagtimezone din kame. tapos tamang kwentuhan lang. nakita ko ulit si Joseph Yeo, parang may showdown dun tapos magsscore sila. cute nya pa din in fairness. hehehe.. actually balak pa nga sana namin manood ng acoustic kaso antok na yung 2 kasama ko, pero for sure si pareng eman ok pa yun. hehehe.. at wala na din akong pera kaya antay na lang muna tayo ng sweldo. hehe.. bukas monday na naman.. may gagawin na kaya ako?? well bahala na, nageenjoy naman din ako kahit ganito. mangangapa lang siguro ulit ako pag magpprogram na ulit ako. waaah!!!
2 Comments:
na-extra pala ako sa isang post mo. lol. :)
musta po?
wish me luck. dreaded final exam week is under way. huhuhu...
:(
hi jam! oo nga, nasingit ka pala dun. joke! kaya ka pala di nagoonline, busy ang future abogado. hehehe.. Good luck! kaya mo yan ano bah.. hehehe.. sangkaterbang libro lang naman ata babasahin mo pero kaya yan! balitaan mo ko ha! ingat!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home