miss na kita...
hi pops! 1 week na yung lumipas. musta ka na? alam ko ok ka na jan ngayon, pero alam ko hindi mo naman din kame gusto iwan. pero siguro sabi nga ni Lord, tapos na mission mo dito. alam mo ba, nung unang araw na wala ka, parang hindi ko kakayanin, halos magbreakdown ako. ganun pala yun, di mo mapipigilan.. ngayon ok na naman ako, katabi ko na si mama matulog, ayoko sya iwan magisa e. hindi ko din alam kung pano sya makakarecover ng mabilis. pero ok na naman sya, pag may naalala lang minsan naiiyak pa din sya. ummm.. madami akong mamimiss sayo pops, mula nung bata pa ko, ang dami kong naaalala na memories kasama ka.. naalala mo ba yung pag namamalengke ka, automatic kasama ako tapos paguwi natin kung ano ano na nabili natin sa kakaturo ko? hehe.. tapos naaalala ko din lagi mo ko pinapasan sa balikat ko nung bata pa ko tapos takot na takot ako kase baka malaglag ako. minsan pag pupunta ka ng work gusto ko sumama kaso sabi mo may kikidnap sakin kaya wag na lang. hehe.. at naniwala naman ako, nakakatawa. sayo pa nga pala ako nagpapaturo ng math, ang tiyaga mo pa pala nun kase ang dami ko pang tanong. at pag nakakaline of 7 ako sa exam takot na takot pa ako sayo. hehehe.. naalala ko din nung minsan nag-away kame ng mga kalaro ko, hindi ako umiyak nun pero nung tinapik mo yung likod ko, dun na ko bumigay, iba ka talaga. mamimiss ko din pag inaasar mo ko pag natatalo ang La Salle sa UAAP, aapir ka pa kunwari. hahaha! natatawa ako pag naaalala ko. tinawag mo din akong introvert dati, ewan ko sayo, di naman ako ganun. hehehe.. nagtatampo ka pa pag makwento ako sa telepono pero pag sa inyo hindi masyado.. hay, ewan ko din ba kung bakit ganun. mamimiss ko din pag pinapagalitan mo ko pag inaabot ako ng 3 am, pagdating ko nakaabang ka pa din, sorry ha.. ayun, masaya na din ako kase kahit nung mga last months mo, halos lagi tayo magkakasama, sumasabay na ako magsimba sa inyo nila mama every morning. lagi din pala tayo lumalabas nun, hindi ko alam na huli na pala yung mga yun, pero ok lang, at least diba. sayang lang, magbbirthday ka pa naman sa Feb. alam mo pops, medyo nahihirapan ako, hindi ko alam kung pano ko icocomfort si mama, ang least thing na magagawa ko, is to be there for her, always. sabi nya nga spoiled daw sya sayo. siguro hindi namin mapapantayan lahat ng ginawa mo sa kanya pero ittry namin na pasayahin sya. natouch ako sayo kase pagkita ko sa wallet mo, andon yung grad pic ko. halos maluha ako nun. nakakamiss ka talaga, bawat galaw ko sa bahay, bawat bagay na makita ko may naalala ako tungkol sayo. medyo ok na naman ako ngayon, yun nga lang, naninibago ako. basta, kulang. sana lagi ka anjan, wag mo lang ako tatakutin ha. dun pa naman ako sa kwarto nyo natutulog ngayon. hehehe.. guide mo lang kame lagi pops, ayun lang, mamimiss kita..
1 Comments:
awww.... josko, namumula ang ilong ko, at pinipigilan tumulo ang luha. haha, ako naman din nung namatay ung lolo ko din, sobrang iyak ko! :( di bale, nanjan na sila sa heaven at kung minsan dadalaw din sa bahay, pakiramdaman na lang at amuyin ang amoy ng kandilang umaaligid aligid..
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home