Saturday, December 24, 2005

maligayang pasko!!!...

happy birthday Jesus! first Christmas ko to na hindi ko masyado naramdaman ang pagdating. akalain mong dec. 23 na pumapasok pa din ako sa opis! bukingers na naman ako sa aking almost new crush dahil kay berta at louie. hmf! casual lang yun uy! nakyutan lang ako. hehehe.. tamad na tamad ako pumasok ngayong week. sa sobrang pagkatamad, pag dumadating ako ng boni ave bukas na ang rob pioneer. ayus, dun na lang ako dumadaan para derecho sa lower ground floor derecho sa building. o dba, di ko na kelangan mareverse hiking. hehehe.. pero in all fairness naman, natatapos ko yung mga pinapagawa ni ianne for my object. halos kabisado ko na ang program na hindi naman akin kakadebug. at dun ko lang din naappreciate ang debugger. =) thanks ng marami pa din kay ianne. =) kahapon muntik na kong maiyak dun sa mga pinagagagagawa ko dun para lang mameet ang last, as in last defect na sinasabi nila sa program. kung ano ano tuloy ang pinakelaman ko dun at ang moral of the story, magback-up!! kahit function module yan, iback up pa din! thanks din to mommy annie! =) mahal talaga kita! hehehe.. sa sobrang kaba, napapaupo na ako dun sa carpet at paulit-ulit na sinasabi.. "papatayin ako ni ianne, papatayin ako ni ianne.." pero shempre alam ko ng hindi magagawa ni ianne yun dahil isa sya sa pinakamabait at religious na taong nakilala ko. nagdadasal pa yan bago kame sumabak sa pagdedebug ng program! pero gusto ko pa din matapos yung pinapagawa nya at salamat naman dahil kahit papano e natatapos ko sya. =) kanina naman, nakakapagod ang araw na to.. sabi na nga e, i have a feeling na hindi Rustan's supermarket yung nasa Alabang Town Center.. tsk tsk.. derecho tuloy kame ng makati. sayang kase ang gift cert. na binigay ng company, at hanggang grocery lang ng Rustan's yun dahil kung sa dept. store, mukhang 2 items lang ang mabibili ko. mabuti ng sulitin yun. hehehe.. saka na yang havaianas na yan. =) buti na lang wala masyado tao sa makati, at nakauwi naman kame ng maluwalhati dito sa bahay. nakakatuwa din dahil may phone na ulit sila bestfriend tj, just like the old times huh? it was like 5 years ago na pala nung "nagpol" ako sa kanya. at ngayon e casualan na lang din naming napapagusapan at tinatawanan yun. hehe.. dati rati, sakto, 8 pm magriring na ang telepono namin at maguusap kame ng mga hanggang 10, at pag ayaw pa ibaba, sasabihin, "5 minutes, 5 minutes squared.." ayus! hehe.. gusto ko na ulit makita ang mokong na yun. hehe.. Christmas na mayamaya.. hehe.. nakakatuwa kahit tahimik. haay.. kelan naman kaya maiimplement ang Christmas party ng aking berks? hehe.. sana hindi na drowing yan ha! ayun lang po.. Merry Christmas!!

1 Comments:

At 11:07 PM , Blogger supersherwin said...

lean, pati ako di na-feel na padating na pala pasko..sanay ako dati na simbang gabi na ay wala nang pasok hehehe... pag naging drawing na naman yang christmas party ewan ko na lang.. pwede na tayong gumawa ng ating exhibit sa dami ng "drawing" na nagawa natin.. hehehe

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home