Thursday, December 01, 2005

december na!

first day of december! yehey! favorite month ko. =) pagkatapos ng dalawang araw na pagiinarte [pero nakakainis talaga!] ok na ko. kahapon, nung hindi ako pumasok, saka nagdatingan ang mga gagawin ko. at dahil sa team nga, napasa na sa iba. kelangan na kase matapos yon at ngayon wala akong ginawa ulit. pero 100% chargable ako ngayon! nag"facilitate" ako sa mga new newbies. =) at sabi chargable pala yun. thanks abby! di ko alam e. hehehe... mga 20 naman sila ngayon, 2nd time ko na magfacilitate, ibang batch na sila. ginagawa ko pala ang post na 'to habang nageexam sila. hihi... compared samin, mababait sila pagdating sa exam, unlike us, kopyahan kung kopyahan. hahaha!! nakakatawa talaga abby, di kita makakalimutan, matagal ang hangover nito. =)) wala lang, nagicebreaker kame habang down pa ang connection nila sa SAP, masaya naman ang outcome. makakabisado ko din sila lahat. hehehe..

15 days to go, simbang gabi na ulit. at plano ko buuin ulit, 2nd time ko pa lang makukumpleto ang simbang gabi if ever. at bakit ko nakumpleto yung una? wala lang! dahil sa matinding kahilingan para sa isang taong minahal. hehe.. puyatan na kung puyatan. pahirapan na naman pala sa pagbili ng gifts, tsk tsk..

sana regular na din ako... wala lang. congrats sa mga permanent na sa akchenchure! =) start na ng bond! hehehe...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home