Monday, December 19, 2005

ang chill out... bow...

masarap pala mag-"chill out" pag weekend. naks! mineet ko sila mareng alvie and bestfwend ka-t sa skul, naging consultants kame for an hour or two para sa DBMS. den derecho rob, kain, derecho baywalk! sayang lang talaga, di ako nakakanta kasama nung live band. nahiya ako kase nakapwesto kame sa likod. pero next chill out session namin, kakanta ako. hahaha!! hehe.. ayus talaga pag di nagpplano e, natutuloy. masaya pa. picture picture, tapos biglang nagtext si jong, sama daw sya. napatulog tuloy ako sa kanila ng di oras. pero ok lang, namiss ko ang bahay na lagi namin pinagoovernightan nung college. bago kame pumunta dun, daan muna daw kame ng Nakpil, sa malate.. ayoko pumunta talaga dun, pero wala akong magawa, kaya dumaan na din kame. first time ko nakita ang scene ng isang gimikan. hehe.. di naman kase talaga ako gumigimik, kaya ayun. hehe.. ganon pala dun, wala lang. anyways, mabilis lang naman kame dun, as in daan lang talaga, literal. umuwi na kame kanila jong, nalaman ko din dun na mabilis ang karma, kung karma nga bang matatawag yun...

naglalakad kame, nakajacket ako plus hood dahil mahamog na daw... may nakasalubong kameng sigang batang babae..

babae: ate, akin na lang yang jacket mo, giniginaw ako e. sabay tawa.

ako: [angas din] e giniginaw din ako e. sabay ngiting pang-asar..

napatingin si jong sakin, sabi ko, totoo namang giniginaw din ako kaya di ko ibibigay sa kanya jacket ko, astig pala sya e. hehe.. sabay biglang..

nalusot ang paa ko, halos hanggang tuhod, adik. may butas pala dun sa harap nila. adik talaga. buti hindi puro putik yun. kadiri. pero wala namang nakakita. tawa kame ng tawa habang papasok ng bahay. di ako makarecover!! adik talaga. nakarma nga kaya ako? hehehe.. ayun, pagkatapos maglinis ng katawan at paa, derecho tulog na kame, nakakapagod talaga, pero ang saya saya ko nun. sana maulit. =) at yun ang "chill-out" ko ngayong weekend.

at mamaya, makikita ko ang hale, Christmas party ng accenture. guest ang hale at bamboo. yehey!!!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home