paano na yan?...
pano kung...
may minahal ka, pero hindi naging kayo, pero alam mo din mahal ka niya. nagkaroon kayo ng kanya kanyang buhay, kanya kanyang relasyon, pagkatapos ng ilang taon, nagkita kayo ulit, alam nyong mahal nyo pa din ang isa't isa, pero alam nyong may masasaktan, pagbibigyan nyo ba ang nararamdaman nyo para sa isa't isa?...
e pano naman kung pareho pareho mong kaibigan ang lahat ng kasama sa magulong sitwasyon na to, anong gagawin mo? alam mo kung saan sila masaya at saan sila sasaya... pero alam mo din kung sino ang masasaktan... hmmmm.... hirap. adik.
buhay petiks...
ang dami kong entries dito tungkol sa pagiging petiks.. pero hirap talaga ng petiks.. ang bagal ng araw... natawa ko sa nabasa kong status message sa YM, sabi
"i'm a paid bum". not sure kung kanino galing yun. nawala e. nakakarelate kase.. =)) deadline ng artes nga pala ngayon.. at pag sinabing artes.. kaperahan ang ibig sabihin nun!
naiinis nga pala ko, hay naku bestfwend, kakarmahin din yun. kala nya jan... kapogian sya ha, para saktan ka ng ganun. hmf! don't wori, chill out ulit tayo with our kumares. haayy... di namin alam kung pano ka icocomfort. but the sure thing is, he's not worth your tears dear..
sana makapasok kame sa french class.. sayang yun, pano na lang kung maon-shore kame?? [wahahaha!!] bakit naman kase 25 seats lang ang pwde.. di ba nila alam na ang daming empleyado dito?.. masaya din kung marami kang alam na wika...
buong araw ako nagchachat. grabe na ito... how time flies pag busy ka.. kakachat! hahaha.. well hindi ko naman or hindi naman namin ginusto yun.. grabe ang dami naming unassigned. minsan nakakamiss maging ABAPista pero minsan nakakabwiset. pero ayoko din naman ng walang ginagawa. siguro ok na din na ganito muna na hindi ako busy kase i can attend to my friend's problems, gaya ng nangyayari ngayon kay bestfwend ka-t.
totoo nga yung kapag gumawa ka ng good deed, babalik sayo 10 times. hehehe.. meron na din akong starbucks planner!! actually never akong nakapuno at nung magpupuno dapat ako, hiningi ni rochelle yung 3 stickers. e di na naman din ako aabot kaya binigay ko na lang. =) tapos imagine a friend got it for me. wahahah.. ang taas na siguro ng caffeine content nun sa katawan. hahahaha.. thanks vincent! got a call from him nung nasa enchanted ako, nung team building namin at napuno na nya ang kelangan punuin para sa planner na yun. thanks! the best ka talaga.
ayun lang.. sana talaga makaabot kame sa french class 101. mag-aaral ako maigi, pramis!! hehehe..
team building in splash island.. ay EK pala!...
after two weeks, i can say that i am ok now. sure naiiyak pa din ako minsan pero nung minsang napanaginipan ko sya, si pops, he's smiling at ang taba nya in fairness, e ok na ko. nakakatawa na ko. but of course hindi ko pa din nakakalimutan ang responsibilities ko to my family, i'm very thankful kase nanay, tita vhiva and my cousin alia will be staying with us for some time. big help din yun dahil nalulungkot pa din si mother. haay.. ayun.
last saturday, esprit peeps went to EK. yahuuu!! huling punta ko dun highschool pa. and i did enjoy every minute na andun kame. it was joseph's first time kaya mega kantyaw sya and pics in fairness. at ang unang ride nya ay flying fiesta. hahaha! tapos sabak agad kame sa space shuttle.. mejo hilo hilo ako, nagsisi ata ako dun ah. ang tapang kase e! ayan.. hehehe.. tapos jungle log jam naman.. dun na nawala yung hilo ko pero potek.. basa naman kame nila harry pagkatapos. tumutulo pa yung tubig sa buhok ko. hahahah! after nun, kain kain, kwentuhan tungkol sa mga buhay buhay, nangBI, tumawa, nagpatuyo sa aircon. pagtapos nun lakad lakad ulit, ang init nun ha! pero ok lang! hanggang sa napunta kame sa discovery theater. habang nakapila dun na nagkakwentuhan ng maayos. mahal ko talaga yan si ms lady e. napagkwentuhan ng konti si aslan. hahaha! well anyways, masaya din sa 4D, kahit 3D lang naman talaga yun, with matching basa effect na naman, adik. ayun, at ang pinakaultimate basaan ay nangyari sa rio grande.. i should've heeded jason's email na magdala ng shirt. pasaway lang talaga ko. pero yun ang pinakamasaya, tawa talaga kame ng tawa pagkatapos. at parang nagswimming ang mga itsura namin. pagkatapos nun kain kain ulit, patuyo ng konti, at bumili ako ng glow in the dark na wizard wand. yehey!! pangarap ko yun dati pa ewan ko nga ba kung bakit di ako bumibili. hahaha! after nun derecho ako sa debut ng pinsan ko, dun na ko nagpalit. nakakapagod talaga ang araw na yun..
sunday.. laban ni pacman!! kaso adik di naman ako nakanood. we have to go to Eternal Gardens para bisitahin si pops. yun na siguro ang magiging routine namin, kaya sunday is a no-no for gimiks or whatsoever. hehehe.. basta congrats kay idol! hehehe..
kanina... waaah!! ayoko na.. highschool na kung highschool pero nakakahiya talaga.. don't you think so apex peeps? hahaha!!
miss na kita...
hi pops! 1 week na yung lumipas. musta ka na? alam ko ok ka na jan ngayon, pero alam ko hindi mo naman din kame gusto iwan. pero siguro sabi nga ni Lord, tapos na mission mo dito. alam mo ba, nung unang araw na wala ka, parang hindi ko kakayanin, halos magbreakdown ako. ganun pala yun, di mo mapipigilan.. ngayon ok na naman ako, katabi ko na si mama matulog, ayoko sya iwan magisa e. hindi ko din alam kung pano sya makakarecover ng mabilis. pero ok na naman sya, pag may naalala lang minsan naiiyak pa din sya. ummm.. madami akong mamimiss sayo pops, mula nung bata pa ko, ang dami kong naaalala na memories kasama ka.. naalala mo ba yung pag namamalengke ka, automatic kasama ako tapos paguwi natin kung ano ano na nabili natin sa kakaturo ko? hehe.. tapos naaalala ko din lagi mo ko pinapasan sa balikat ko nung bata pa ko tapos takot na takot ako kase baka malaglag ako. minsan pag pupunta ka ng work gusto ko sumama kaso sabi mo may kikidnap sakin kaya wag na lang. hehe.. at naniwala naman ako, nakakatawa. sayo pa nga pala ako nagpapaturo ng math, ang tiyaga mo pa pala nun kase ang dami ko pang tanong. at pag nakakaline of 7 ako sa exam takot na takot pa ako sayo. hehehe.. naalala ko din nung minsan nag-away kame ng mga kalaro ko, hindi ako umiyak nun pero nung tinapik mo yung likod ko, dun na ko bumigay, iba ka talaga. mamimiss ko din pag inaasar mo ko pag natatalo ang La Salle sa UAAP, aapir ka pa kunwari. hahaha! natatawa ako pag naaalala ko. tinawag mo din akong introvert dati, ewan ko sayo, di naman ako ganun. hehehe.. nagtatampo ka pa pag makwento ako sa telepono pero pag sa inyo hindi masyado.. hay, ewan ko din ba kung bakit ganun. mamimiss ko din pag pinapagalitan mo ko pag inaabot ako ng 3 am, pagdating ko nakaabang ka pa din, sorry ha.. ayun, masaya na din ako kase kahit nung mga last months mo, halos lagi tayo magkakasama, sumasabay na ako magsimba sa inyo nila mama every morning. lagi din pala tayo lumalabas nun, hindi ko alam na huli na pala yung mga yun, pero ok lang, at least diba. sayang lang, magbbirthday ka pa naman sa Feb. alam mo pops, medyo nahihirapan ako, hindi ko alam kung pano ko icocomfort si mama, ang least thing na magagawa ko, is to be there for her, always. sabi nya nga spoiled daw sya sayo. siguro hindi namin mapapantayan lahat ng ginawa mo sa kanya pero ittry namin na pasayahin sya. natouch ako sayo kase pagkita ko sa wallet mo, andon yung grad pic ko. halos maluha ako nun. nakakamiss ka talaga, bawat galaw ko sa bahay, bawat bagay na makita ko may naalala ako tungkol sayo. medyo ok na naman ako ngayon, yun nga lang, naninibago ako. basta, kulang. sana lagi ka anjan, wag mo lang ako tatakutin ha. dun pa naman ako sa kwarto nyo natutulog ngayon. hehehe.. guide mo lang kame lagi pops, ayun lang, mamimiss kita..