Thursday, July 27, 2006

lungkot, tuwa, lungkot, tuwa...

ang sakit ng ulo ko. aray.. in fairness nameet ko ang deadline. wala lang, masaya lang ako. hehehe.. hay, bumibilis ang araw.. may mga taong namimiss ko, at mamimiss ko. si bespren jason, kakabasa ko lang ng post nya, minsan nalulungkot sya pero 6 months lang naman yun. babalik ka din. pasalubong ha? heheh.. seriously, kahit ang kulit kulit nya (nakakairita), at lagi akong inaasar at binabarubal, e nakakamiss din pala ang madramang lalakeng to. in-love na naman daw sya. sus. sana totoo. si mommy annie naman.. aalis na din.. haay... tahimik na bading sya.. simpleng laitera, mahinhin na laitera. ayun. hehehe.. but i'm really happy for her. she's happily married at masaya talaga ako para sa kanya. =) well sana maging ok din ang kanilang life sa Australia. tinanong ko sya kung pano nya nalaman na si daddy na talaga, e nararamdaman lang daw yun. hmm.. wala lang. hehehe.. sa office madami kang katrabaho pero konti lang ang makakasundo mo at magiging kaibigan mo. dun ka matututong makipagplastikan sa mga taong hindi mo gusto dahil wala ka namang choice. either magresign ka or antayin mong magresign sila. (well sana nga magresign na sila. hahahaha!) kaya nakakalungkot lang na may aalis. haay. e wala din naman akong magagawa, move on and be happy na lang. =) anong ginagawa ng AIM, YM at email? =)

Wednesday, July 19, 2006

musta naman? tag-ulan na...

hala naman, maaraw pa pala nung huli akong nagpost. hehehe.. oh well, kagagaling ko lang sa sakit. nakikiuso kase ako. tsk. updates?

- i was transferred from one team to another. yun ang nakakalungkot. kase dun sa team ko before my team now, dun ako naging magulo at naging masaya. i found new friends, sa katauhan ni erjo, jacque, mitch, iba pang taga-dun. heheh.. dun din kame naging super close ng laiterong si dj. hehe.. pero who knows.. hirap maattach sa team. wala lang.

- so andito na ko sa aking new team ulit. pero dapat dito naman na talaga ako dati pa, nagkaroon lang ng delays kaya hiniram muna kame nila erjo and DJ. i'm with new people, new faces. actually napakadami na pala namin sa aming project. susme, wala na ko halos makilala sa mga bago.

- i need to focus on SAP Script and SMARTFORMS. whew. mga isang taon ko ng hindi nagagamit ang SMARTFORMS. hehehe..

- bespren jason left for Mauritius. wow, layo nun ah. balik naman sya sa december or january. dami pasalubong! yehey! his investment really paid off. hehehehe..

- hey! 1 year na ko sa Accenture nung July 11!! 1 year to go! hehehe.. pero ok lang, naeenjoy ko naman ang work. =)

- i changed my cellphone number. bakit? para makapagmove-on. pathetic ba? hay, wala naman din akong pakielam, ako lang din naman ang nahihirapan. kaya sa Globe, possible. (konek?)

- naisip ko, pano mo nga ba malalaman kung nagiging "habit" mo na lang ang isang bagay or isang tao? kunwari, akala mo mahal mo pa si ganito, pero yun pala nasanay ka na lang na mahal mo sya, parang ganun..

- ayun lang, sana hindi na ko magkasakit, bumili na ko ng vitamin C. =)