yes, i'm still alive :)
wuhoo!! nabuhay si Liyan! medyo nakonsyensya ako nung sinabi ni Pamidala na update ko naman daw ang aking blog. ok, i'm here. But I'll just give you bits of info, not-so-detailed na lang. masyado maraming nangyari kase..
****************
- gained friends again lately. thanks to manong Bryan and AIM chatroom
- used now in being one of the boys (during lead's meeting, movie nights, room8a)
- missing my big bro..
- having a dilemma if I will pursue my "teaching" in PLM. Don't want to take up masterals, that's why.
- having dilemma on other things..
-will go to Palawan with some college friends on Feb 21
-mommy annie will come home end of Feb. :) I will be a ninang to her cute daughter, Lori
- will miss Ton-ton and his kakulitan and kalokohan. gudlak sa next team mo! or.. gudlak sa kanila. hehehe..
-might be a ninang again after 8 months
- hoy Abat, bertdey mo pala ngayon. di ka nagpaparamdam. Happy birthday!!
- will think things over after March 1. update resume or not? hmm...
- donated blood last last week. hopefully Tito Johnny is ok now. Type O positive pala ako. hehe
- wants to go back to the gym... :(
- will miss Bryan and Marlon.. (on-shore assignments)
*********** That's it for now. Just for the sake of posting. :)
si hermit the crab at ang trekking sa enchanted...
nakakahiya... huhu.. si hermit kase e... ngayon lang ako nakakakita ng hermit crab. malay ko kung ano yun. nagpunta kame ni meyn sa makati after ng kanyang OT work, at bumili ako ng charger for my ipod. tsk. nakakainis. hay, ayaw ko na alalahanin. anyway, ayun nga, tas sinamahan ko sya pumunta sa parksquare 1, bibili naman daw sya ng parang pinapaikutan nung headset nya, kung ano man yun. tas may nakita kame nakakumpol na mga tao dun sa gitna. nagwonder ako kung ano yun. hehe. paglapit namin yun nga, may mga hermit crab, yung mga shells nila, nilagyan ng design. puro cartoons pa nga yung naalala ko. walang mga humahawak nung crab. at naglakas loob lang naman akong hawakan at itaas yung isa. pero may nakita na akong sign na "i don't bite. i just pinch." pero sige pa rin. mataas yung pagkakataas ko dahil sinusuri ko talaga sya maigi. ahm.. tas bigla kong naramdaman yung mga kamay nung hermit crab (basta yun na yun, sipit or watever) at bigla akong sumigaw at nabitawan. tsk. ang taas nung pinagbagsakan. at lahat ng nakapaligid dun na nakatingin dun sa mga hermit crab e sakin na nakatingin. sobrang hiya ko nagtago ako sa likod ng kasama ko. at niyaya ko na syang umalis. waaahhh.. pero natatawa pa din kame pag naalala namin yung kalokohang ginawa ko. waaahhh!!
nagteambuilding kame kahapon. ang planong trekking sa taal volcano ay nauwi sa.. ENCHANTED KINGDOM! hehe. lunch muna sa tagaytay tas saka punta EK. masaya naman, ang saya mahilo sa space shuttle. halos di na ko makatayo. touched naman ako sa teammates ko, nipapaypayan pa talaga nila ko. hehe. 1 round sa bump car, 1 round anchors away, 2 rounds jungle log jam, 2 rounds spaceshuttle (yung mga 2 rounds na yan, magkasunod talaga, literal.) ayan, tas hindi nagpalit ng damit, nabasa at natuyuan ng pawis. ubo at sipon ang inabot ko. hehe. masaya naman. hindi ko na pinatulan si rio grande dahil grabe na ang sipon ko. sipuning bata nga daw. hehe.
o sya sya, work work muna ulet. kahit wala pa naman. hehe. magpapanggap muna ako. :)
so help me God...
huwaw.. agiw ulit.. wala ako entry for january.. huhu.. oh well anyways, been
busy lately..
dami nangyari.. kung isa-isahin ko baka di na magkasya. hehe. let's just hit
the highlights shall we?
*** ahmm.. my pops just celebrated his first death anniv last january 8, medyo
mahirap, umiyak pa ako the day before. kelangan ko din pigilan na naman ang mga
luha ko dahil umiiyak na si mama at ate. after nun naging ok na naman lahat..
*** hay, dami nangyari. (sikwet muna yun) haha!
*** preggy na si mommy annie ko! congrats mommy! ako ang isa sa mga lucky
persons na unang nakaalam. though nasa Australia sya nakakapagusap pa din kame.
updated kame sa isa't isa. i miss her. hehe. paranoid si mommy ko sa
pagbubuntis nya, sobrang careful e. haha! you're healthy mommy, everything will
be fine.. :)
*** i didn't expect na malilipat ulit ako ng team.. i'm happy pero parang sad
din. napamahal na din kase sakin team mates ko. eto na naman kame, getting
attached sa team. hehe. pero good thing same floor pa din, same project. ganun
kase talaga samin, sharing of resources. since petiks kame ngayon, pinahiram
muna kame to help other teams.
*** lumipat na ulit ako ng cube! wow, parang printer manager ako, sobrang tabi
ko kase yung printer. and wala ako kashare sa phone, astig!
*** ang init na ng panahon. tsk. summer na! tuloy ba ang pangasinan trip?
hmm... tignan natin!
*** how's my feb. 14? ayun, feb. 14 pa din. just an ordinary day.. hay. kelan
kaya hindi magiging ordinary yun? tsk.
*** sino workflow and BSP master? waahhh... yun yung mga objects na haharapin
namin ngayon. tsk. kamote ata ako dito. tsk ulet.
*** masaya ako, walang bitterness and grudges. dapat ganun lang. life is meant
to be enjoyed.
*** mga natutunan ko lately: 1. hangga't pwdeng maging masaya, do so. who
knows, baka hindi na maulit. 2. if you love or miss someone, tell him/her. 3. treasure your friends. kahit anong mangyari. 4. ang hirap habulin ng panahon. sobrang bilis. 5. "strike the balance" according to RVM ;) 6. ang gasgas na linyang "time is gold" gives me a
much deeper meaning lately..
*** goodluck sakin.. sana makauwi pa din ako ng 630pm.. hay. yun lang.
lost in space and wishing...
hmm.. november na pala. ang bilis ng panahon.. sabi nga ni ebe, "kay bilis kase ng buhay, pati tayo natangay.." parang buhay ko.. parang lifeline.. (ahm, redundant ba?) isang araw sobrang saya, tas biglang lulungkot.. anubah!
kagabi dinalaw namin si papa sa kanyang himlayan. first all soul's season to na sya na ang dinadalaw namin. at ang magaling kong ate at nanay, late. late na nga ako e.. tsk. hehe. humiga kame dun, ang saya. i love star gazing btw. madami kang naiisip habang andun pa din ang peace of mind mo. mushy na kung mushy. :)
pero habang nakatingin ako sa mga tala, naisip ko na isa lang talaga tayong tuldok sa malaking kalawakan.. (ahm, lalim naman nyan..)
nakakahiya mang aminin, hindi ko talaga alam ang itsura ng big dipper at little dipper.. (may little dipper nga ba?) yun ba yung hugis rosary? ay ewan. :)
naalala ko.. oo nakasakit ako. nakakaguilty ang pakiramdam lalo na kung dahil wala kang naramdaman na kahit ano. sinabi nyang magalit ako para makapagsorry sya, pero hindi ako galit, hindi ako nainis, hindi ko sya namiss. wala na. siguro nasaktan ko sya dahil dun. sorry allen.
naalala ko tuloy yung tanong kong hindi ko alam kung may sense.. ang tanong na bakit madilim sa space e madami namang stars? diba ang sun ay isang star? so kung madaming stars.. bakit ang dilim sa space? (may sense ba? or tanong lang talaga ng bobo? hahaha!) sabi ni meyn.. kase nga space. so kahit may light.. kung walang object na tatamaan, hindi magrereflect ang light. (not exact wordings pero parang ganyan yung thought) tama ba?..
hay. sana pwede maghold sa thought na pag nagwish ka sa star, magkakatotoo. habang nagkakaisip kase ako, nawawala na yun. hay ulet. speaking of wishing..
wishing is like hoping, and hoping is far different from expecting.. i didn't expect. i wished.
parang friendster testimonial ah...
this maybe a little late. ahm, busy with other things.. shokoy. just finished a technical design na baligtad, (nagawa na yung code lahat lahat, saka mo gagawan ng design. adik.) then started another one for this day. my planned end date? Oct. 18, 2006. Pero nung nakita ko yung functional specs from Madrid, ahm.. no comment. anyways, i'm doing this blog kase burdey ni mareng elenor last Oct. 9! wuhoo! belated! (pero nibati naman kita nung bday mo. hehe..)
si elen? sino nga ba yan? ah.. nakilala ko sya nung college. simula first year classmate ko na to. sa las pinyas pa nga sya umuuwi nun. tahimik lang sya, (nung una!) hindi naman mukang suplada. pero sabi nga nung isa kong classmate, "babaeng may bigote" nga daw sya. haha! natawa naman ako. pero wag ka, nalaman ko na valedictorian pala to nung highschool. smart gal huh? silent but deadly, parang _______. nyaha! joke.
naging kagroup ko din sya sa sangkatutak na project, kasama bumili ng mga materials ek ek, naghanap ng books, umiyak dahil sa grades, nagdasal sa baclaran at kay St. Jude, nagrosary bago magexam sa algebra, lumakad sa SM manila, lumakad sa intramuros, nakitulog sa boarding house ng classmate nung may 9 hours break kame, at iba pa. hehe.
nakatampuhan ko na din to, madaming beses na. pero laging sya yung may ginagawang kalokohan kaya nagkakaganun. ayaw ko na sabihin dito baka bumaba tingin nila sayo. haha! nagsosorry sya sa pamamagitan ng mga letter nya.
sobrang creative din nitong babaeng to. basta. la ko masabi. OC din. kaya nga ayaw nya ako paghawakin ng gunting at makielam, ahm, clumsy daw ako e. ewan ko sa inyo.
"very bright din ang future nito"... whatever that means.
grabe magmahal. grabe din umiyak at masaktan. (ok, wala na ko sasabihin)
at.. mahal ko yan, jusko, parang ang tagal ko ng kilala to. kahit maingay yan, tumatawa na parang wala ng bukas, isa sya sa mga taong pwde mong sabihan ng kahit ano. she can even give you the most sensible advice that you can hear. she can listen to you when no one else does. you can talk to her on the phone till dawn just talking about anything, pero may sense pa din. basta. kaya mare, be happy. madami nagmamahal sayo. you have a lot of friends around you, don't spill those tears on something that is not worth it. o sya mahaba na tong pambobola ko sayo. nyehehe. basta mahal kita mare. :)
bridesmaid ka lang!...
ahuh.. sa wakas natapos din. still have make-up on my face and french tips while doing this blog. hehe. twas pam's wedding. and my foot just died dahil sa heels. i hate wearing heels, buti na lang anjan lagi ang pinakamamahal kong tsinelas. kahit papunta at pauwi sa office yan ang suot ko. ahm. oo nga, bridesmaid lang ako. nyehehe..
here are some of the pics of the newlyweds:
at ang mga walang magawa sa reception (i was with the bride's bro):
i still can't believe na sya yung kababata ko, kalaro ko dati. mas grabe pa yan mambugbog ng mga kalaro naming lalaki nun. hehe. i'm really happy for her. despite of the on and offs of their relationship, ayan sila, happily married. naiyak tuloy ako konti kanina. si nikki kase e, partida, binasa lang yung speech nya umiyak pa din. nahawa tuloy ako. hay. stay in love pamy and randy! :)
buhay ABAPista...
lagi ko nakikita ang pic na to sa avatar ng mga officemates ko. kay chris calauad at kay bespren-sa-opis na si jason. nakita ko din sa google. astig.
are we really coding ABAP for food? hehe. mas maayos na level nga lang siguro compared dito. sana wag naman ako umabot sa point na yan. hehe.