Saturday, September 09, 2006

can i get my things back?...

may mga gamit pa pala ako sayo. at hindi ito mushy na breakup thing dahil hindi naman naging tayo. sana lang makuha ko na sayo yung mga bagay na yun dahil priceless possessions ko din sila.

1. CD ni kat-kat - hay, parang awa naman, tagal ko ng kinukuha sayo nito. anjan yung mga original songs ng kaibigan ko. ilang taon na bang na sayo yan, tatlo?

2. CD from sherwin - pakibalik na din yung cd pinaburn ko kay sherwin, uh, third year college pa ata ako nung pinahiram ko sayo yan. e pano na yan, nagtatrabaho na ko ngayon e. anjan lahat ng kantang gustong gusto ko. sana hindi pa yan gasgas at tumutunog pa din. please lang.

3. Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino? by Bob Ong - yang librong yan, binigay sakin ni mommy annie. wala na sya sa Pilipinas at yan na lang at ang bracelet na binigay nya sakin ang naiwan nya. so gusto ko na din sana makuha. hindi ka din naman mahilig magbasa dba?

ahm siguro naman hindi na kasama ang puso ko sa dapat kong kunin sayo. (yak, ang baduy. pero totoo) kase hindi naman naging sayo yun dahil unang una hindi mo naman tinanggap dba? natakot ka nga ba? o ayaw mo lang talaga? oh well, ayus lang. nasabi ko na to, "i can see the finish line".

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home