Friday, October 13, 2006

parang friendster testimonial ah...

this maybe a little late. ahm, busy with other things.. shokoy. just finished a technical design na baligtad, (nagawa na yung code lahat lahat, saka mo gagawan ng design. adik.) then started another one for this day. my planned end date? Oct. 18, 2006. Pero nung nakita ko yung functional specs from Madrid, ahm.. no comment. anyways, i'm doing this blog kase burdey ni mareng elenor last Oct. 9! wuhoo! belated! (pero nibati naman kita nung bday mo. hehe..)

si elen? sino nga ba yan? ah.. nakilala ko sya nung college. simula first year classmate ko na to. sa las pinyas pa nga sya umuuwi nun. tahimik lang sya, (nung una!) hindi naman mukang suplada. pero sabi nga nung isa kong classmate, "babaeng may bigote" nga daw sya. haha! natawa naman ako. pero wag ka, nalaman ko na valedictorian pala to nung highschool. smart gal huh? silent but deadly, parang _______. nyaha! joke.

naging kagroup ko din sya sa sangkatutak na project, kasama bumili ng mga materials ek ek, naghanap ng books, umiyak dahil sa grades, nagdasal sa baclaran at kay St. Jude, nagrosary bago magexam sa algebra, lumakad sa SM manila, lumakad sa intramuros, nakitulog sa boarding house ng classmate nung may 9 hours break kame, at iba pa. hehe.

nakatampuhan ko na din to, madaming beses na. pero laging sya yung may ginagawang kalokohan kaya nagkakaganun. ayaw ko na sabihin dito baka bumaba tingin nila sayo. haha! nagsosorry sya sa pamamagitan ng mga letter nya.

sobrang creative din nitong babaeng to. basta. la ko masabi. OC din. kaya nga ayaw nya ako paghawakin ng gunting at makielam, ahm, clumsy daw ako e. ewan ko sa inyo.

"very bright din ang future nito"... whatever that means.

grabe magmahal. grabe din umiyak at masaktan. (ok, wala na ko sasabihin)

at.. mahal ko yan, jusko, parang ang tagal ko ng kilala to. kahit maingay yan, tumatawa na parang wala ng bukas, isa sya sa mga taong pwde mong sabihan ng kahit ano. she can even give you the most sensible advice that you can hear. she can listen to you when no one else does. you can talk to her on the phone till dawn just talking about anything, pero may sense pa din. basta. kaya mare, be happy. madami nagmamahal sayo. you have a lot of friends around you, don't spill those tears on something that is not worth it. o sya mahaba na tong pambobola ko sayo. nyehehe. basta mahal kita mare. :)

Saturday, October 07, 2006

bridesmaid ka lang!...

ahuh.. sa wakas natapos din. still have make-up on my face and french tips while doing this blog. hehe. twas pam's wedding. and my foot just died dahil sa heels. i hate wearing heels, buti na lang anjan lagi ang pinakamamahal kong tsinelas. kahit papunta at pauwi sa office yan ang suot ko. ahm. oo nga, bridesmaid lang ako. nyehehe..

here are some of the pics of the newlyweds:

Photobucket - Video and Image Hosting


Photobucket - Video and Image Hosting


Photobucket - Video and Image Hosting


Photobucket - Video and Image Hosting



at ang mga walang magawa sa reception (i was with the bride's bro):

Photobucket - Video and Image Hosting


Photobucket - Video and Image Hosting



i still can't believe na sya yung kababata ko, kalaro ko dati. mas grabe pa yan mambugbog ng mga kalaro naming lalaki nun. hehe. i'm really happy for her. despite of the on and offs of their relationship, ayan sila, happily married. naiyak tuloy ako konti kanina. si nikki kase e, partida, binasa lang yung speech nya umiyak pa din. nahawa tuloy ako. hay. stay in love pamy and randy! :)

Friday, October 06, 2006

buhay ABAPista...

lagi ko nakikita ang pic na to sa avatar ng mga officemates ko. kay chris calauad at kay bespren-sa-opis na si jason. nakita ko din sa google. astig.


Photobucket - Video and Image Hosting





are we really coding ABAP for food? hehe. mas maayos na level nga lang siguro compared dito. sana wag naman ako umabot sa point na yan. hehe.

Thursday, October 05, 2006

samu't saring kwento...

hindi na ako nakapagblog dahil sa bagyo. isang linggong iba't ibang pangyayari.



kwentong ambon-lang-pala-ha!

si erjo ang kasama ko lagi lately. pag lunch, papuntang grocery, pagsakay sa mrt dahil pareho kameng nasakay dun sa landmark. sya din ang tagabatok ko tuwing may gagawin akong katangahan. e hindi ko naman alam na tanga din sya dahil naisip nyang sumugod kame sa labas sa kasagsagan ng bagyo. "ambon" lang daw yun. ayan, naambunan nga kame. grabe ang paligid nun, takbo takbo kame, lanya. pero adventure kung adventure yun. muntik na lang din ako maiyak dahil 2 pm kame umalis ng office, 8 pm ako nakauwi. wala pang kuryente. wala akong makita. akala ko hindi na ko makakauwi.. hindi ko alam kung dahil sa takot o dahil sa pagod kaya ako naiyak. may mga taong gusto ko ng itext nun kaso.. ahm. walang signal. hindi na din ako nakapasok kinabukasan. Emergency Leave na lang daw.


Photobucket - Video and Image Hosting


pic namin ni erjo. sabi senyo naambunan lang kame e. hehe.


kwentong viva-santo-tomas!

eto masaya to. nanood kame ng game 2 ng finals ng UAAP, i was with ron, elen and sherwin. saya ng pwesto namin, sa general admission, sa likod ng mga nagddrums para sa USTe. muntik na kameng mabingi. ilang decibels ba yun? whew. bago makabili ng tiket, pila muna. sisiw, sanay na ko jan. ilang mahabang pila na ba sa PLM ang pinilahan ko? hehe. oh well, panalo USTe. ahm, One Big Fight? ok lang yan, 9 years na lang naman antayin nyo e. joke! (pero sana totoo. nyaha!) mare, sorry pala. i didn't know.. di ko alam na iiyak ka. nagkkwentuhan lang naman tayo nun diba.. :(


kwentong congrats-kasal-ka-na

sunday. sabi ni mama punta kame batangas kase ikakasal na si former-suitor. i learned about the wedding plans 2 months ago. nagtext pa nga kame at iniinvite nya ko.

dennis: punta kayo sa kasal ko ha, Oct. 1
ako: sige tignan ko ha. :)
dennis: sige na punta ka na, sunday naman yun, walang pasok.
ako: o sya sya sige pupunta na. e di for sure masaya ka? hehe.
dennis: hindi rin. miss na kita. tagal na nating di nagkikita.
ako: uy, wag ka ngang ganyan, dapat masaya ka. :)

--blah blah blah--

nung kinwento ko yun kay mama, sabi lang nya "sabihin mo gagu sya. hehe". e ang gagu naman kase. wag ganun.. tsk. hehe.. pero i realized one thing. ok pala sya. hindi ko lang nakita noon yun. mabait sakin pamilya nya, lahat ng kuya nya, nanay nya, tatay nya. tanga kase ako. ehh.. ganun talaga e.


kwentong balik-opisina-tama-na-bakasyon

ahm, oo nga.. balik opis na drama natin. ang daming email. whew. bawal ang bench hours sabi ni TL. ok, ok. busyness ang drama natin. Oct. 10 at Oct. 20 ang deadline. araw-araw na din sila may con. call sa madrid team. natatawa ko sa boses ni Diego, parang lasing na inaantok. hehe. i worked until past 11 pm last night. ayoko kase iwan yung program, (wow, yan ang ownership!) pero hindi ko na kase alam yung ibang details, pero sobrang konti na lang yun if ever na aayusin pa. so bakasyon ako ngayon till tomorrow. yey! bili pa ko gift. bridesmaid ang lola nyo sa saturday. :)


MAELE BERNADETTE! happy birthday bru! hehe. muah! :)