ang batang si wahoo...
it was another week. sobrang bilis ng araw, again, monday na naman. last friday ang saya saya ko kase it's the end of the week, hindi ko na kelangan ulit pilitin ang sarili ko magising kinabukasan. then before you know it, sunday na naman.. haay.. anyways, my weekend have been a productive one. last friday night, pinipilit ako ni meyn to go to school to be a panelist sa defense sa SAD. ayoko sana pumunta kase nakakatamad talaga. and if andon naman sila mam ubalde, di naman din kame makakapagsalita noh. pero ayun, i found myself taking a bath after alvie called. nakadating ako ng school around 11. shempre nauna na naman ako kay meyn. i should've known better. ayun, masaya naman, nakita ko ang mga taong minsang nagpahirap sakin. hehe.. pero ok na naman, nakakatuwa magreminisce. nakita ko yung mga nagdedefense na nakatulala, haggard and everything. pero shempre dumaan din kame dun. masarap magreminisce pero ayaw mo na balikan. hehehe.. picture picture kame den catching up with our babies sa CSSC. nung hapon, i thought walang mangyayari pero things turned out well, and sobrang enjoy. we went to SM manila, sang our hearts out with mam ubalde, mam yee and sir jonathan. at nang dahil sa kayabangan ni sir morano, napasubo kame magtreat ng dinner. i was his partner dun sa kanta den sabi nya kung sino pinakamababa, magttreat. e kinarir ng mga kasama namin kaya ayan, karma. nadamay pa ko. hehe.. kain kame sa KFC, pero kelangan na umalis nila sir morano and mam ubalde, may activity ata ang manila. then naiwan kame. ako, meyn, alvie and kat. we were about to finish eating then suddenly, may lumapit na bata, hinihingi yung sobrang food namin. may natira pang 1 piece chicken dun sa bucket meal, so we decided to give it to him. then parang all of a sudden, sobrang asikaso na namin sa kanya. we let him eat with us, may vacant seat naman kase. baka paalisin sya kase kung sa ibang table sya kakain. umorder pa kame ng extra rice and drinks for him. we asked a couple of questions, nakakagulat yung ibang sagot nya. yung nanay nya, nagtitinda daw ng sampaguita, akala ko naman dun lang sa quiapo, yun pala sa alabang pa! ang layo ng naabot nya, and sabi nya hindi lang daw sa SM manila sya nakakapunta, pati sa SM fairview, and north edsa. gala! in fairness to that kid, mukha syang matalino and kahit papano, he knows his table manners. we observed na heneatly placed his spoon and fork sa tabi, said his excuses nung dumighay sya. nakapagaral naman daw sya, hanggang grade two, kaso stop sya. pero nung kinder,nakapag"frivate"[as he pronounced it] school sya. wala syang kapatid di nya kilala ang tatay nya at nakatira sila sa likod ng metropolis sa riles. binigyan din namin sya ng pamasahe kase baka pababain sya sa bus na sasakyan nya. pero parang simple lang ang buhay sa kanya. yung para sa kanya, swerte lang at malas ang buhay. gaya ng pagsakay nya ng libre sa bus, kung paalisin sya, malas nya lang. bata pa sya pero ayos sya magisip. pati yung binigay naming barya sa kanya, gusto niya papalitan ng buong pera para di daw tumunog at singilin sya. ibibigay na lang daw nya sa nanay nya pambayad sa bahay. nagpupunta lang sya ng mall dahil gusto nya lang kumain. yung mga natitira sa food court ang kinakain niya. ewan ko ba pero natutuwa ako sa kanya, kahit sobrang lakas nya dumighay. hehehe.. akala namin di na namin matatanong sakanya ang pangalan nya,pababa na kame ng escalator,walang nakaalala samin tanungin ang pangalan nya. sinasabi pa lang namin na kagwapuhan ang batang yun at mukhang matalino, bigla na lang sya sumulpot sa likod namin. hehe.. buti natanong namin pangalan nya, "wahoo" daw. eto ang saktong explanation nya, "wahoo, parang yahoo, pinalitan lang ng 'w' yung 'y'".. galing magexplain! pero di ko na matandaan ang real name nya, basta may william and rudolph. ang sabi nya nakapunta na daw sya sa canada, pero ginawa ata syang katulong tapos binalik sya dito. pero mukhang aalis sya ulit. basta ganun, di ko na din masyado naintindihan yung kwento nya. iniisip ko nga kung makikita ko sya sa ibang mall. naiisip ko sana makapagaral sya ulit, sayang mukha pa naman syang matalino. at doon ko narealize na pinoproblema ko kung pano magbudget samantalang sya makakain lang ok na. gastador lang talaga ko. sya, sa sobrang wala din syang kinikita, nakakapagbigay pa sya sa nanay nya. kame pa kaya.. hehe.. i'll never forget that kid..