Friday, April 29, 2005

last days in PLM

ok, it's been a long time since i posted here. you can't blame me, pc problems, as usual. di na ko nawalan nyan.. so many things happened during my last days in philem..

april 18 - the day before the big day!! sa wakas natuloy na din ang grad ball. i was so tired.. got home around 11:30 pm. actually UC called.. asking me questions na may sagot na pala siya.. wushu.. gusto lang ako kausap ayaw pa aminin!! hehe.. we didn't talk that long.. may nagcall wait kasi!! nagpaubaya naman siya..

april 19 - the big day!! overnight ako kanila meyn.. mahirap umuwi ng madaling araw.. the grad ball was a success. though sobrang late kame.. u know, SOBRA.. late kung late. ok lang. late na din nagstart yung program because of us. muntikan na din akong naiyak after reading my speech for the block, reminiscing part.. ganda nung movie presentation in fairness.. after nung program, picture picture.. dance dance.. di ko naman sya nakasayaw.. bantay sarado e! yakap kung yakap. but it's ok.. nakita ko naman yung effort niya to find me para makasama sa pic. after that, picture picture ulit. medyo badtrip si mam U kse dami na ata bumati sa gown niya na motif. and i'm one of those na bumati actually. hehe.. but i didn't mean it, di ko naman siya nilalait e! anyways, nagpunta kame ng baywalk, ng nakagown! alvie and I, together with the people of IM made our way sa baywalk. malakas lang loob ko kase madami kame. we went home, sa bahay nila meyn at around 5 and slept at
7 am. grabeng room yun. kaya pala late lagi si meyn. hehe..

april 20 - baccalaureate mass.. nagdaldalan lang kame actually.. ang ingay pa ng brocha sa likod, muntikan na! they gave the tickets afterwards.. i wasn't able to attend the "meeting" of the presidents, kase akala ko yung kay sir johan na yun. swimming pala ito! pero ayoko talaga...

april 22- southmall day. napasok na ata namin lahat ng bilihan ng dress sa southmall. ang hirap maghanap ng damit!! considering that you should be wearing closed black shoes.. pero nakabili naman din kame.

april 23 - my last day as student. our graduation day.. lahat ng tao sa bahay nagpapanic, uminit ang ulo bago nakapunta ng school.. pero natapos din.. the program started late. my foot just died sa shoes na suot ko. at gutom na gutom ako.. ang laki ng regret ko kase i wasn't able to greet my UC congratulations and my ultimate goal sana.. ang i-hug siya.. huhu.. bakit kase ganon?? tanga-tangahan kase. wala lang.. we ate afterwards sa Don Henrico's in pedro gil. kaso di na ko masyado nakakain. i slept at around 3 am, still thinking of that. naiinis ako!! buti pa si meyn...

april 27 - swimming with invictus!! kahit berks at diyosas lang ang nandon, plus eyel and audz, masaya naman.. ang lamig sa indang!! the best yung place, ang daming pool! i had the chance pa na mahawakan yung pinanglilinis ng pool, yung net. mabigat pala yun. naiinis ako kase di naman ako natutong sumisid. hehe.. di bale, pagaaralan ko yan next time. natulog na kme sa mga free cottages at 1 am, sobrang lamig pala dun. i slept beside eyel at pinagkasya namin ang sarong na dala ko. it helps naman but i was surprised na meron ng "fireplace" sa tabi ko. meron pang nagcover sakin ng t-shirt. igoy is such a sweet pala.. hehe.. si algreick din, we felt so special. thanks! maaga din kameng umuwi kase limited lang yung time ng reservation.

and now, as meyn said, i'm officially unemployed. at ngayon, i just finished my resume dito sa shop. pesteng PC yan!! may job fair akong pupuntahan bukas. the pressure is on!!

Friday, April 01, 2005

graduate with flying colors??

natatawa ako sa post na to. courtesy of sir paeng. punta kyo sa page nya, http://akosipaeng.blogspot.com. hehehe..


Dear _____ ______,

Nang makita ko ang pangalan mo sa listahan ng gagraduate na may Latin Honors, napanganga ako. Wow. Akalain mo nga naman. Isang estudyante na malakas mangopya at mahilig makiusap na taasan ang grades, CUM LAUDE!!!

Nagbunga rin ang ilang taong pagpapagod sa pagpapagawa ng assignment sa iba. Nagbunga rin ang pagkakaroon ng malinaw na mata at makapal na mukha na siyang nagamit mo sa pagkopya nang lantaran sa classroom. OK rin ang pagkakaroon ng magagaling na koneksyon, marunong ka ring bumarkada sa mga masayang kopyahan.

Alam mo, ngayon ko lang naisip, sayang at di kita pinuna sa lantaran mong pangongopya noong estudyante pa kita. E di sana noon pa lang ay naging bahagi na ako ng pag-recognize ng iyong angking "galing". Kungsabagay, "friends" naman tayo. Malamang sa araw ng graduation, magyayaya ka na magpa-picture tayo. Pero di ako ngingiti.

Hinintay nga kita nitong nakaraang qualifying exam. Naalala ko noon, nanghihingi ka pa ng leakage sa akin. Bakit naman nahiya ka ngayon? Oo, tumanggi ako noon at tatanggi pa rin ako hanggang ngayon. Nabigla lang ako at wala ka man lang "attempt". Nabawasan pala ang iyong kapal ng mukha. Ano ka ba? Cum laude ka nga e, bakit di mo patunayan? Ngayon ka pa nahiya.

Kamusta na nga pala si __________? Siguro masama ang loob niya na madalas mo siyang kopyahan pero di siya cum laude. Ang hina naman kasi niya, hindi katulad mo, ang daming koneksyon at malakas ang loob. E ano nga naman ang maprinsipyo ka kung wala namang maisasabit na P45 na tingga sa leeg mo pagdating ng graduation?

Balitaan mo naman ako pag professional ka na!!! Mangongopya ka pa rin kaya? Siguro naman, 'no?!! E ano pa bang alam mong gawin? Oo nga pala. Give my regards to your parents. Pero mas masaya siguro kung alam nila ang iyong mga "hidden talents". Buti na lang sa akin, wala kang hiya sa pagpapakita ngiyong talento.

Muli, Miss _____ ______, kongtyuleysyons for cheating your way into cum laude!!! Namnamin mo ang iyong tagumpay pag hawak mo na ang medalya mo. Ipalaminate mo rin ang iyong diploma. Ano nga ba ang degree mo? B.S.C. F.A.? (Bihasa Sa Copying Friend's Answers)Basta ito ang tatandaan mo. Kapag tinawag na ang iyong pangalan, hindi ako papalakpak. Hindi talaga.