Saturday, August 26, 2006

popstar? nah... haha!

sabi sa email ko last last week ata.. "the long wait is over!" hahaha! jusko, nagenroll kase ako sa pop singing lessons na offered ang akchenchure. ayus diba? may recording pa! ayun pala yung sinasabing the long wait is over. akala nila kaya ako nag VL ng dalawang araw para magpraktis. ngak! di noh. dapat aug. 17-18 bakasyon ko kaso madaming workload, so inadjust ni team lead. leche. nasayang lang pagbili ko ng cd kase di ko naman ginamit. hihi. last minute nagbago isip ko, instead of singing "i'll never get over you getting over me", "till they take my heart away" na lang. [adik, ang hahaba ng title. haha!] mas masaya kase yung beat nung pangalawa. wala ako praktis, buti mabait si kuya arnel. hihi.

lean: [kanta kanta].. kuya pwde po ulitin?
kuya arnel: oo sige ok lang, from the top ha?

ayus, mga 2 beses yun. tapos inulit ko yung mga part na sumablay. hihi. sana ok ang outcome, dapat pang platinum! hehe.. ang ganda pala nung pinagrecordan namin, maliit na room lang, actually sa bahay nga lang sa Philam Village. pero ang ganda. kumpleto sya sa gamit. astig talaga.

met lola mae after ng recording. hehe.. catch up lang, sakto OT na naman sya. nakasalubong ko pa si kuya eric so sabay na kame naglunch sinamahan ko din sya tumingin ng gift for tin. kwentuhan to the max na naman kame ni lola mae. hihi. masaya ako. yun lang! :)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home